“Marami ang Bawal”: Alex Gonzaga, Ibinahagi ang mga Tiniis ni Mikee na Set of Rules ng Kanyang mga Magulang Bago Sila Ikasal

Hindi biro ang mga rules ni Mommy Pinty at  Daddy Bonoy para sakanilang mga anak na si Toni at Alex pag dating noon sa pag boboyfriend.

Marami ang bawal at ito lang naman ang tiniis nila Direk Paul at Mikee.

Sa isang interview kay alex ng aktres na si Isabel Daza, ay tinanong ni Isabelle si Alex kung paano niya nga ba nalaman na si Mikee na ang kanyang the one na kanyang papakasalan.

“How did you know Mikee was the right person to marry compared to your exes?”  – tanong ni Isabel

Kung saan sinagot naman ni Alex na,

“Si Mikee? Pano ko nalaman? Because Mikee gave me peace.”

Ayon pa kay alex na noong una palang ay alam na ni Mikee at gets niya na ang mga set of rules ni Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

“In fairness to Mikee, he really was able to, parang nakuha niya yung loob ni Mommy Pinty and your dad. And tiniis niya yung parang no sleepover, or hindi ka pwede mag-out of the country diba?” -patanong ni Isabel kay Alex

Ayon naman kay alex na.

“Si Mikee, gets niya. Kasi ganun, parang feeling niya ganun talaga ang babae, dapat talagang inaalagaan ng magulang, so naiintindihan niya. Respeto niya yung curfew,” – saad ni alex.

Ilan lang naman sa mga rules ni Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay bawal ang sleep over, bawal ang out of the country ng sila lang ang magkasama at laging may curfew.

Ilan lang to sa mga set of rules ng mga magulang ni Toni at Alex.

Ngunit napakaswerte nga ng dalawa  dahil napatunayan nila na talagang mahal sila ng kanilang mga asawa ngayon, dahil sa patience na ipinakita ng mga ito.