Lovi Poe Hindi Pa Daw Nakakapag Honeymoon Matapos ang Kasal, Wala pa ding Balak Mag ka Baby

Wala pa daw plano na magkaroon ng anak si Lovi Poe at asawa nitong si Monty.

Sakatunayan nga daw ay hindi pa daw sila nakakapag honeymoon dahil balik trabaho agad silang dawala pagkatapos ng kanilang kasal.

Very supportive naman daw ang asawa ni Lovi na si Monty dahil hindi siya nito pinipilit na magkaroon agad ng anak.

Mahigit dalawang buwan narin ang nakalipas ng ikasal si Lovi at Mony, at ginanap ang kanilang kasal sa United Kingdom kung saan dinalohan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at kamag anak.

Sa isang interview nga ay diretsahang tinanong si Lovi kung kailan sila mag kaka baby ng mister niyang si Monty kung saan diretsahan din sinagot ni Lovi na focus muna sila sa kanilang Career.

Ani Lovi na,

“So far right now we just want to focus sa work and us being together.”

Sobrang laki din ng pasasalamat ni Lovi na suportado siya ng kanyang asawa sa kanyang mga ginagawa at mga desisyon, isang bagay daw na kanyang pinasasalamatan.

“He wants to see me shine, succeed as an indivdual, kaya sobrang suwerte ko na ganoon siya. I know na we’re on the next level, next stage but he still wants to see me fly.”

Pagbabahagi din ni Lovi na binabalanse niya ang lahat, lalo na ngayon at may-asawa na siya.

“I have my career, I want to have a proper balance for things talaga. I’ts just great that i have a strong support system around me. My husband is very supportive.”