Jennica Garcia, Nagbigay ng Advice sa Mga Katulad Niyang Iniwan, “Huwag kayong mag-alala season lang yan. Darating ang panahon na sasabihin niyo, Ay, kaya ko naman pala”

Mayroong payo si Jennica Garcia bilang isang single mom na katulad niya. Matatandaan na kakarecover lang ni Jennica sa pagkakalugmok ng magkahiwalay sila ni Alwyn Uytingco.

Sa isang panayam kay Jennica ay ibinahagi nito ang kanyang pinagdaanan simula ng magkahiwalay sila ng kanyang mister na si Alwyn Uytingco.

Ayon kay Jennica na naibenta niya ang ilan sa kanyang mga kagamitan para lang matustusan ang pangangailangan niya at kanyang dalawang anak.

“Nung single mom na ako pa isa-isa na ko let go ng mga items ko. Kasi ayoko talagang mangutang.”

“Naalala ko nun, nung magmomove na kami ang una kong binenta cellphone. Binenta ko yung cellphone ko. Tapos nagpalit ako ng phone na basta lang may working app na Instagram at Facebook. Pero mura lang yun kasi parang 4 thousand lang un e. Tapos sympre groceries namin ng mga bata, ang next kong binenta the month after that yung laptop ko. Pinaka huli kong binitawan yung Nintendo Switch ko.”

Ito ang mga pagalala ni Jennica sa mga unang buwan ng sila ay magkhiwalay ng kanyang mister.

Dagdag pa ni Jennica na napilitan din siyang patigilin sa pagtratrabaho ang kanilang mga kasambahay dahil wala na umano siya ditong pampasahod.

Sobrang hirap man ng pinagdaanan ni Jennica ay proud siya na kinaya niya itong harapin ng mag-isa.

“Gusto ko ring ituro sa mga anak ko na dapat kaya naming mag-adjist sa kung ano lang yung capacity lang namin na meron kami.”

Ngayon ay muli ng nakabangon si Jennica at muling nakabawi mula sa pagkakalugmok, kaya naman may payo siya sa mga kapwa niya single parents na nakaranas ng katulad niya sitwasyon.

“Sa mga biglang naiwan o nagulat na nagising mag-isa, huwag kayong mag-aalala season lang yan. Darating ang panahon na sasabihin niyo, Ay kaya ko naman pala.”