Ito ang Buhay Ngayon Ni Ricardo Cepeda sa Loob ng Selda

Matatandaan na kamakailan lang ay nagviral ang balita na naaresto ang beteranong aktor na si Ricardo Cepeda habang nasa isang ribbon cutting. Ito ay ng masangkot siya sa isang syndicate scam ng isang kompanya,

Depensa ni Ricardo na wala talaga siyang kaalam alam sa pinag gagawa ng kompanya, dahil ay endorser lang siya at modelo ng kanilang produkto.

Nagulat nalang daw ito ng bigla nalang siyang hainan ng warrant of arrest habang nasa isang event.

 

Ngayon ay mahigit tatlong linggo ng naka piit sa detention center sa Camp Karingal si Ricardo kasama ang halos 50 na detainees na katulad niyang nag-aantay ng hatol.

Sa isang eksklusibong interview ng beteranong broadcaster na si Julius Babao ay binisita niya at kinamusta ang aktor kung saan nadatnan niya naman ito doon na kalmado at positibo lang.

Ipinakita ni ricardo ang ilan sa kanyang mga routines habang nasa loob ng selda at isa dito ay ang kanyang pag eehersisyo para mapanatili ang kanyang magandang kalusugan.

Ipinasilip din ni Ricardo ang lugar kung saan sila nagluluto ng pagkain, at ibinahagi din nito na maganda naman ang trato sakanila doon at pinapakain ng masasarap na pagkain.

Marami ang mga netizens ang humanga kay ricardo dahil sa pagiging kalmado nito kung saan makikita daw na talagang wala itong kasalanan at talagang nadamay lang.