Anim na Dahilan kung Bakit Hindi Biro ang Maging Isang Stay-At-Home Mom

Isa sa mga dapat isa alang alang ng mag-asawa para mas tumatag ang isang relasyon para mas gumanda at bumuti ang buhay ng isang pamiya ay ang tamang pag balanse ng responsibilidad sa pagitan ng mag-asawa.

Isa na diyan ay ang pag manage ng mga finances, hatian sa gawaing bahay, pagdesisyon sa loob ng bahay at marami pang iba.

Isa sa pinaka mahirap ay ang maging isang magulang, lalo na at mahirap ngayon humanap ng katuwang sa pag-aalaga sa bahay kagaya ng yaya dahil mahirap mag tiwala sa panahon ngayon.

Kaya maraming nanay napipilitan na maging isang stay-at-home mom nalang, para lang mabantayan at maalagaan ang kanilang mga anak.

Ngunit gaano nga ba kabigat ang maging isang stay-at-home mom?

Hindi biro ang maging isang stay-at-home mom, dahil kailangan mong isuko ang iyong regular na trabaho para  lang maalagaan ng mabuti ang iyong mga anak.

Isa pa ay mas mahaba ang oras ng trabaho ng isang stay-at-home mom kaysa sa pagiging isang empleyado, bakit? dahil 24/7 na atensyon ang kailangan mong igugul sa iyong pamilya.

Wala ding vacation leave at sick leave ang pagiging isang stay-at-home mom.

Wala din itong overtime pay at kahit anong bonus.

Magkakaroon lang ng pera ang isang stay-at-home mom ng pera kapag nag intriga na ang kanilang mga asawa every kinsinas at katapusan.

Kung akala nila na masarap ang buhay ng isang Stay-at-home mom dahil nasa bahay lang, yun ang buong akala ng iba. Dahil doble ang pagod ng isang stay-at-home mom lalo na lahat ng responsibilidad sa bahay ay hawak niya pagdating sa pag-aalaga ng bata, paglalaba, pagluluto, paglilinis at kung ano ano pa.

Mababawasan din ang social life ng isang stay-at-home mom, dahil sa dami ng gawain ay wala ka ng time na makipag kita at makipag chikahan sa iyong mga kaibigan. Buti nalang ay may internet na ngayon at kahit papaano ay nagkakaroon ng pagkakataon makipag socialize ang isang ina online.

Kaya hindi biro ang maging isang stay-at-home mom na akala ng karamihan ay pa easy easy lang sa bahay. Kaya isang malaking respeto at paghanga sa mga ina ng tahanan.