“Itong ‘PUTOL’ na tinatawag nila ay makakapagtapos ng pag-aaral” Isang Lalaki na May Kapansanan Proud na Isang Honor Student

Isang binatilyo na kinilalang si Aldrin Pawa, hinangaan at naging inspirasyon sa social media dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang matupad ang kanyang mga pangarap.

Kinilala si Aldrin sa kanilang lugar bilang si PUTOL, dahil wala itong mga kamay at paa. Si aldrin ay taga palawan at 24 na taong gulang. Ipinanganak siyang ganito na kung tawaging ay Phoncomelia Syndrome.

Ngunit sakabila ng kanyang kapansanan na ito ay ipinagpatuloy pa din ni Aldrin ang kanyang pangarap na makapag aral kung saan kamakailan nga lang ay nakapagtapos ito ng Senior High at ang mas nakakabilib pa ay isa siya sa mga honor student ng kanilang klase.

Sa kanyang Facebook post noong ika-28 ng Hunyo ay nagbahagi si Aldrin ng isang mensahe na magbibigay inspirasyon sa mga katulad niya na may kapansanan.

“Hindi sukat sa PHYSICAL o APPEARANCE ng tao kung makakapagtapos ka o hindi ang mahalaga ginawa mo ang best mo para sa mga taong naniniwala sa kakayahan na meron ka”, ani Aldrin.

Nang makapanayam naman ng ABS-CBN news si Aldrin, ay ibinahagi niya ang mga hirap na naranasan niya habang siya ay nag-aaral sa kabila ng kanyang kundisyon.

Kwento ni Aldrin na hindi madali ang kanyang pinagdaraanan araw araw, dahil umulan at umaraw ay pinipilit nitong pumasok gamit ang kanyang mga tuhod sa paglalakad. Kaya minsan ay hindi maiwasan na magkaroon ng sugat at nana ang kanyang mga tuhod lalo na kapag sobrang init ng kanyang dinaraanan.

Ayon kay Aldrin, umulan man o umaraw ay naglalakad siya gamit ang kanyang tuhod, kaya naman minsan ay hindi maiwasan na magkaroon ng nana ang mga tuhod niya, lalo na nga kapag sobrang init. Lahat nga ng hirap ay kanyang tiniis, dahil nais niyang may mapatunayan sa kanyang sarili, at isa na nga rito ay  sa kabila  kanyang kapansanan ay magagawa pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Ngayon na siya ay nakapagtapos na ng senior high school, plano ni Aldrin na kumuha ng kursong edukasyon sa kolehiyo.

Maliban sa pagiging isang masipag na mag-aaral sa kabila ng kanyang kundisyon, si Aldrin ay isa ring SK Kagawad at Vice President ng Person with Disabilities sa Brgy.

San Pedro, Puerto Princesa, Palawan. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita ang binansagang ‘putol’ na si Aldrin, dahil noong nakaraang taon ay naibalita na rin siya sa media nang mag-viral ga ang kanyang TikTok, na umani ng daang-daang libong mga views. Ang iba pa ngang mga dance videos ni Aldrin sa kanyan TikTok ay umabot pa sa milyon ang mga views.

May sarili ding YouTube channel si Aldrin, kung saan wala siyang agam-agam na talakayin ang kanyang kapansanan. Sa isang vlog na inilabas niya noong buwan ng Agosto taong 2021, ay inilabas niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga pambabatikos sa kanya sa social media.

Amindo si Aldrin na naapektuhan siya sa mga pamba-bash sa kanya, na may pagkakataon na tila nada-down siya sa kanyang sarili, ngunit para sa kanya ay hindi ito naging dahilan para sumuko siya.

Naging hugot umano niya ng lakas ang mga magulang at kaibigan niya, at mas higit ay ang pananampalataya niya. Saad pa niya, tanging hangad niya ay ang maipakita sa buong mundo ang kanyang kakayahan sa kabila ng kundisyon na mayroon siya at magbigay inspirasyon sa mga taong tulad niya na may kapansanan.