23 Taong Gulang Na Babae, Ipinaglaban at Pinakasalan ang 37 Taong Gulang na Lalaki sa Kabila Ng Depormidad nitong Itsura

Ang totoong pagibig ay walang pinipili, mayaman ka man o mahirap, mataba o payat, maganda o pangit lahat ay pantay pantay pag dating sa tunay at tapat na pag-ibig.

Ang mag-asawa na si Boonmee Khantong at Phatsara Obnak sa mga patunay na ang tunay na pag-ibig ay walang pinipili kahit sino man.

Ang mag-asawang sila Boonmee Khanthong 37 anyos na taon gulang at si Phatsara Obnak 23 taong gulang ay ikinasal ng bukal sa kanilang loob, marami ang naging tutol sa kanilang kasal, ngunit hindi ito naging hadlang sakanila para hindi matuloy ang kasal.

Ayon sa isang Thai News Agency ang dalawa ay ikinasal sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na ginanap sa kanilang barangay sa may northeaster Surin Province, Thailand.

Ayon sa isang ulat na bata palang ang lalaking si boonmie ng dumanas ito ng isang sakit na tiwag nilang broken capillaries dahilan sa pagkasira ng itsura nito.

Ilang beses nilang sinubukan na mag pabalik balik sa hospital upang magpagamot, ngunit dahil sa kakulangan sa pera ay hindi naging tuloy tuloy ang kanilang gamotan hanggang sinukuan nalang nila ito.

Hindi din nakayanan ng kanyang pamilya na suportahan ang kanilang paninirahan sa siyudad dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin at problema narin nila ang matitirhan, kaya nag desisyon nalang sila na bumalik nalang sa kanilang probinsya at itigil na ang pag papagamot.

Si Boonmee ay tumigil sa pagaaral at nakapagtapos lang ng grade 5, nakahanap siya ng trabaho sa isang factory pero tumigil din ito dahil hirap makapagsalita.

Pero sa kabutihang palad nakahanap ulit si Boonmee ng trabaho sa tulong ni Mr. Virat Saothong, 35 anyos na taon gulang isang contractor sa Bangkok at isa sa malapit niyang kaibigan.

Kapag bakante at walang trabaho si Boonmee madalas itong pumupunta sa Yai City para tulongan ang kanyang kapatid na babae na magbenta ng papaya salad, duon na nagkakilala at nagkaibigan si Boonmee at Phatsara na nauwi sa kasalan.

Ayon sa napakagandang si Phatsara na mahal na mahal niya ang kanyang asawa dahil sobra daw itong masipag at maalaga sakanya at sa anak nito sa unang asawa.

Talaga nga namang pag tunay na pag-ibig na ang nangibabaw wala ng makakapigil dito kahit sino man.