Dating Kargador sa Palengke, Naging Inspirasyon ang Kwento ng Buhay Matapos Mag Top sa Mechanical Engineering Board Exam

24 taon gulang na binata na datng kargador sa Cebuano Market, hinangaan sa social media matapos mag top sa Mechanical Engineering Board Examination.

Kinilala ang lalaki na si Mark Allen Armenion, 24 apat na taong gulang at tubong Cebuano. Hindi inaasahan ni Mark Allen noong na makakapagtapos siya ng pag-aaral lalo na at kapos ang kanilang pamilya pinansyal, at halos wala siyang pambayad sa mga miscellaneous sa kanilang iskwelahan.

Bumagsak pa umano ito dati sa elementarya at highschool dahil madalas hindi nakakapasok sa eskwelahan dahil sa walang maibaon na pera pambili ng pagkain.

Pinakabata siya sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang tindera ng uling samantala ang ama niya naman isang kusinero sa litsonan ng manok. Ang masaklap pa dito ay hiwalay na ang kanyang mga magulang.

Bata palang si Mark Allen ay natoto na itong mag banat ng boto para makatulong sa pamilya. Nagtrabaho siya bilang kargador sa palengke.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag aral sa University of Cebu – Lapu-Lapu at Mandaue (UC-LM) at nagtrabaho bilang isang estudyante sa kanyang ikalawang taon.

Ngunit dumaan nanaman ang isang malaking pagsubok ng daanan sirain ang kanilang bahay sa Mandaue City kung saan napilitan silang bumalik sa kanilang dating tahanan sa Carbon, dahilan upang lumipat ulit siya ng eskwelahan.

Hindi naman pinabayaan ng pamilya ni Mark Allen ang kanyang pag-aaral dahil sa kabila ng kanilang mga utang ay nagagawan nilang pagtulung tulungan para lang makatapos ng pag-aaral si Mark Allen.

Bagaman matalino si Mark Allen at may magandang mga marka, hindi niya naksungkit ang titulo bilang Cum Laude dahil siya ay isang transferee.

Inamin niya na hinahangad niyang makuha ang unang pwesto sa licensure exam ng Mechanical Engineering at kaunti siyang nabigo dahil sa dalawang taong paghahanda niya para dito.

Nakakuha si Armenion ng pangalawang pwesto na may markang 95.70 porsyento habang ang nanguna mula sa VSU Baybay City ay may markang 96.60, na iisang punto lamang ang agwat.

Tapat din siyang aminin na ang cash incentives na ibinibigay sa mga nangungunang mag-aaral ng UC ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya, ngunit ang pangunahing inspirasyon niya ay ang kanyang mga magulang.

“Iyan ang aking mindset noong panahon ng kolehiyo. Para kung sakali man na hindi ko matalo, siguradong mapapasama ako sa listahan ng mga nangunguna. Ang nag-udyok sa akin ay ang premyo ng UC, at ang pangunahing inspirasyon ko ay ang aking mga magulang,” sabi niya.