Dalawang Babaeng Anak Ni Paolo Contis Sa Dating Asawa Nito Na Si Lian Paz, Gustong Ng Papalitan Ang Kanilang Apelyido

Matatandaan na taong 2012 ng maghiwalay si Paolo Contis at dati nitong asawa na dating EB Babe Member na si Lian Paz.

Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae na kanilang pinangalanang Xalene at Xonia na ngayon ay pawang mga nagdadalaga na.

Noong nakaraang May 31, 2023 ay proud na ibinahagi ni Lian ang naging achievement ng kanyang dalawang anak, matapos makatangap ang mga ito ng highest honor sa kanilang eskwelahan.

Photo credits: Lian Paz | IG

Photo credits: Lian Paz | IG

Photo credits: Lian Paz | IG

Samantala, hindi naman nakawala sa mga netizens ang non-appearance ng amang si Paolo Contis sa naging recognition day ng kanyang mga anak, kung saan may mga netizens na nagbigay ng kumento dito.

Isa naman sa mga rebelasyon na ibinahagi ni Lian ay ang naging reply niya sa isa sa mga naging kumento ng netizens, na ayon dito ay gusto na daw ng kanyang mga anak na papalitan ang kanilang apelyido.

Ani ng netizen na,

Bitbit pa apelyido wala naman ambag ahahaha anyway congrats. you have long way to go. Aim High!

Photo credits: Lian Paz | IG

Nag reply naman dito si Lian at sinabing,

asking na nga po ang mga bata to have it changed.

Kahit ang ibang netizens ay sangayon na dapat palitan ang surname ng dalawang bata, dahil ayon sa mga ito mas deserve ng mga ito na Cabahug ang dinadala nilang apelyido.

Photo credits: google.com

Ayon pa sa isang netizen na,

“Tama lang na palitan kung yun ang kagustuhan ng anak. Nakakahiya kc sa tatay na feeling binata padin.

Sa isang panayam naman kay Lian ay kinumpirma nito na hindi nagbibigay ng child support si Paolo sa kanyang mga anak kung saan inamin naman nito ni paolo, ngunit ayon naman sa aktor at komedyante na nag iipon naman daw siya para sa future ng kanyang mga anak.

“But ever since na nagtrabaho ako ng maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay Xonia, kay Xylene, pati kay Summer.” – ani paolo.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Paolo sa request ng kanyang mga anak na papalitan ang mga apelyido nito.