Marami ang patuloy na humahanga sa Kapuso celebrity at social media influencer na si Heart Evangelista o sa tunay na buhay ay kilala bilang si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero dahil sa kanyang napaka unique at sosyaling fashion sense.
Sa katunayan, maka ilang ulit na nga na nagtrending ang kanyang mga photos at videos online na talaga namang kahit sinong makakita ay mapapa-wow sa kanyang mga napipiling OOTDs o Outfit of the day. Ilan nga sa mga ito ay nang minsan siyang mag-share ng kanyang bonggang kasuotan nang magpunta sa grocery para lang bumili ng corned beef at pati na rin ang kanyang post ng kanyang OOTD habang naglilinis ng banyo
Photo credits: Heart Evangelista | IG
Isipin niyo ba naman na naka-designer clothes pa siya habang ginagawa ang mga simpleng bagay na ito. Kaya nga marami na tuloy sa atin ang palaging nag aabang sa kanyang entry kung paano bibigyan ng sosyaling twist ang bawat magiging usong style o kasuotan gaya nalang ng kanyang “new normal” look ng dahil sa patuloy na paglaganap ng novel coronavirus pandemic sa ating bansa.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang 35-year-old na aktres na ito ay galing sa mayamang pamilya ng mga Chinese-Filipino clan ng Ongpauco kaya marahil kaya niyang bilhin ang mga ganito kamahal na kasuotan.
Photo credits: Heart Evangelista | IG
Gayunpaman ay pinatunayan din ng tinaguriang “Queen of Creative Collaborations” na napaka busilak ang kanyang puso at handa niyang i-share sa ibang tao ang kanyang mga blessings. Isa nga si Heart sa mga celebrities na patuloy pa rin na tumutulong sa ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng krisis.
Marami naman sa fans at followers ng naturang aktres ang talaga namang nagnanais makita ang loob ng kanyang tahanan na panigurado ay kasing stylish rin ni Heart. Kaya naman marami ang lalo pang namangha ng ipapasilip na niya ang kanyang napakaganda at eleganteng tahanan sa Quezon City.
Living Area
Classy at elegant ganyan kung ilalarawan ang parteng ito ng kanyang tahanan dahil na rin marami sa kanyang kagamitan ay nababalot ng textured fabrics. Idagdag mo pa ang mga glass tops na kagamitan sa paligid ng kanyang living area.
Photo credits: realliving.com.ph
Photo credits: realliving.com.ph
Kitchen
Lahat ng kagamitan sa kitchen area ni Heart ay well-organized. Maaliwalas at malinis itong tignan dahil na rin marahil sa puting pintura na napili niyang gawing kulay ng interiors nito.
Photo credits: realliving.com.ph
Bedroom
Pagpasok mo naman sa silid ng aktres ay bubungad sayo ang super homey at welcoming vibe ng kanyang private space. Mayroon itong neutral colors sa dingding at flooring na nagcocompliment sa mga kagamitan na nasa loob nito. Nakakarelex din ang kanyang ceiling na pininturahan ng asul na may disenyo na wangis ng ulap at kalangitan.
Photo credits: realliving.com.ph
Photo credits: realliving.com.ph
Bathroom
Isa pa sa agaw pansin sa kanyang magandang tahanan ay ang kanyang sosyaling banyo na talaga naman napakaayos at maaliwalas sa paningin.
Photo credits: realliving.com.ph
Study & Work Area
Kung ganito naman kaganda ang iyong study area sa bahay ay paniguradong mabilis mo magagawa at matatapos iyong mga trabaho. Bagay na bagay ang napili niyang kulay ng interiors pati na rin ang mga kagamitan dito.
Photo credits: realliving.com.ph
Walk-in Closet
Maraming kababaihan ang nagnanais na magkaroon ng ganito kagandang at girly na walk-in closet. Simple pero napaka classy at elegant ang disenyo.
Photo credits: realliving.com.ph
Storage Area
Dahil mahilig si Heart sa mga iba’t ibang accessories, mayroon din siyann inilaan na storage area para madali niya itong ayusin at itago.
Photo credits: realliving.com.ph
Outdoor Nook
Photo credits: realliving.com.ph
Isa pa sa paboritong parte ng bahay ng Kupuso aktres ay ang kanyang outdoor nook dahil dito di umano niya madalas gawin ang kanyang mga paintings at masterpieces.