Ryza Cenon, Ipinasilip Ang Kanilang Kasalukuyang Ipinapagawang Bahay Na Malapit Na Matapos

Noong nakaraang May 24, ay ipinasilip ng atkres na si Ryza Cenon ang kanilang kasalukuyang ipinapagawang bahay.

Tuwang tuwa nga ang aktres dahil malapit na diumano matapos ang kanilang ipinapatayo 2-storey modern house, at ayon pa dito na kailangan niya na mag umpisa bumili ng mga gamit para dito.

Ani Rryza sakanyang post na,

“Yey!!! Malapit lapit na!! Time na mag hanap ng gamit sa bahay.🥰☺️ #blessed #godisgood #grateful #homesweethome”

Matatandaan na last November 2022, nag ground breaking si Ryza Cenon at partner nitong si Miguel Antonio Cruz, kung saan ito ang palatandaan ng simula ng konstruksyon ng kanilang bahay.

Walang tigil naman ang pagdating ng mga proyekto at blessings kay Ryza, at walang hanggan ang pagpapasalamat nito sa diyos dahil sa mga prebilihiyong ipinagkakaloob sakanya.

Walang hanggan din ang pasasalamat ng aktres sa kanyang mga taga suporta na laging anjan para suportahan siya at mahalin siya bilang kanilang idolo.

Matagal na din diumano na pangarap ni Ryza ang makapagpatayo ng kanilang dream house ng kanyang partner, at talagang pinag ipunan nila ito.

Photo credits: Ryza Cenon | IG

Ayon sa aktres na dito sila bubuo ng isang malaking pamilya, kung saan dito narin maiipon ang mga masasayang memories nila na magkakasama.

Matatandaan na na sa isang interview ay nabangit ng aktres ang balak nilang mag settle down ng kanyang partner na si Miguel Antonio lalo na ngayon ay may sarili na silang anak.

ani ryza,

“Napag-usapan naman po kasi siya naman po willing naman po siya. Ako lang po ’yong hindi pa gano’n ka-ready,”

Pagbabahagi pa ni Ryza na mas priority muna nila ang kanilang baby na mabigyan ito ng lahat ng pangangailangan nito, dahil anytime naman ay pwede sila magpakasal na.

Photo credits: Ryza Cenon | IG

“Kasi sinabi ko sa kanya na mas priority muna namin ’yong baby kasi any age naman p’wede naman magpakasal, e. So, ’yon po ’yong napag-usapan po namin,”