Neri Miranda, Binili Ang Isang Salon Na Pasara Na Para Lang Hindi Mawalan Ng Trabaho Ang Mga Staff Nito

Talagang kahit sino ay hahanga sa wais na misis na si Neri Miranda, dahil hindi lang siya magaling sa pag nenegosyo at pagbibigay ng advice sa mga netizens, napakabait din nito sa lahat ng kanyang empleyado at masasabing may malaking puso.

Kamakailan lang ay hinangaan ulet si Neri Naig Miranda, matapos nitong isalba ang isang naluluging salon pati narin ang mga empleyado nito.

Ayon sa kwento ni Neri ay suki siya ng salon na ito at madalas siya dito, matatagpuan ang salon na ito sa Serin Ayala Mall sa Tagaytay City.

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Kwento sakanya ng isang empleyado na mawawalan na daw sila ng trabaho dahil mag sasara na daw ang salon na kanilang pinagtratrabahoan.

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

pagbabahagi ni neri na,

“Yung bigla kang nagkaroon ng salon 😅

Nagpapasalon lang ako last December at kinausap ako ng staff na mawawalan na raw sila ng trabaho kase magsasara na ang salon na ‘to. Baka kung pwede raw ako nang sumalo ng salon para di sila mawalan ng work.”

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Dahil sa awa ni neri sa mga empleyado, sinubukan niyang makipag negotiate sa may-ari nito, kung saan siya na mismo ang bumili ng salon at pinangalanan niya itong ExtraordiNeri Salon.

Dagdag pa ni neri na,

Ayun, nag-haggle talaga ako. At nagkasundo sa deal na kaya ko lang ilabas.

Kaya ayan may ExtraordiNeri Salon na ako! 😅

Sa Serin Ayala Mall Tagaytay palang ang branch ko pero mukhang maglalagay na rin kami sa Cebu soon! 😁

Nag iisip ako baka pwede sa Nuvali? Dasma? 😊

Next nyan, for franchising na ang EXTRAORDINERI SALON para sa mga WAIS na gustong magkaroon ng sariling negosyo na SURE na SURE NA KUMIKITA. ❤️

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Dahil dito, tuwang tuwa ang mga staff ng salon dahil hindi na sila mawawalan ng trabaho at isa pa ay si neri naig na ang kanilang boss, kung saan isang sikat na mompreneur at dating aktres.

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Inulan naman ng papuri si neri galing sa mga netizens, dahil sa pagkakaroon nitong ng mabuting puso.

Balak din ni neri na mag open pa ng ibang branches ng kanyang ExtraordiNeri sa iba pang lugar.