Natatandaan nyo paba ang dating sikat na boksingero na si Rey Bombom Bautista? Kinilala si Rey bilang isa sa mga magaling na boksingero sa kanyang henerasyon, sa katunayan, may mga nagsasabi din na siya ang susunod na Manny Pacquiao ng Pilipinas noon.
Photo credits: google.com
Isa siya sa paboritong boksingero noong kasagsagan ng kanyang kasikatan. Ngunit biglang nagbago ang takbo ng kanyang career ng matalo siya sa boksingerong si Juan Ponce de Leon noong 2008 via 1st round knock out.
Photo credits: google.com
Nag retiro si Rey Bombom matapos ang huling laban niya noong April 20, 2013 sa Dubai World Trade Center, laban sa mexicanong boksingerong na si Juan Martinez kung saan natalo siya dito via hunanimous decision. Dito nagtamo ng matinding pinsala si Rey kung saan pinayohan siya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan na mag retiro na sa mundo ng pag boboksing.
Matapos mag retiro sa pagboboksing, ay pumasok si Rey bilang boxing trainer sa Philippine Air Force. Kahit na madami pa din ang nagsasabing bumalik siya sa pagboboksing ay sigurado na si bombom sakanyang desisyon na tuluyan ng ihang ang kanyang boxing gloves.
Photo credits: google.com
Naging masaya ang buhay ni bombom bilang isang boxing trainer sa Philippine Airforce at sakatunayan, naging coach din siya sa Philippine Military Academy kung saan nagturo din siya dito ng mga academic subjects.
Photo credits: google.com
Maliban sa kanyang mga pinasok na trabaho na ito, ay sumasideline din si Rey bilang boxing referee sa baguio city.
Nagkaroon muli ng tsansa si Rey Bombom na bumalik sa boxing ring noong 2015, ngunit mas pinili ng boksingero na maging isang sundalo dahil ang hanap niya talaga ay isang permanenteng trabaho at matagal niya din diumano itong pangarap, ang maging sundalo at makapag lingkod sa Pilipinas.
Photo credits: google.com
Sa buong career ni Bombom ay mayroon siyang record na 36 wins, kung saan 25 dito ay knockouts, 11 naman ang decisions. At 3 talong talo kung saan 2 dito ay decisions at 1 naman ay knock out.