Kim Chiu, Ipinasilip Ang Bagong Bahay Na Katas Ng Kanyang Pinaghirapan, Binalikan Din Ang Mga Panahon Na Nangangarap Palang Siya Noon Na Maging Artista

Ipinasilip ng chinita princess na si Kim Chiu ang kanyang bagong bahay. Sa isang instagram post ng aktres, ay ibinahagi nito ng bagong tayong bahay na ayon sa kanya ay katas diumano ng kanyang pagsusumikap.

Ani Kim,

“Fruit of labor.🏠🙏🏻💖 #ForeverGrateful”

Matatandaan na maliban dito ay nakapagpatayo narin noon si Kim ng isang 3-storey house sa Loyola Grand villas Quezon city.

Photo credits: google.com

Sa bagong bahay na ito ni kim ay mapapansin ang napaka aliwalas na kapaligiran, kung saan may mga nagtataasang pine trees, isang palatandaan na malamig sa lugar na ito kung saan nakatayo ang bagong bahay ni Kim.

Hindi naman ganon kalakihan ang bahay na ito ni kim, ngunit may malawak naman itong balkonahe at swimming pool.

Sa isang post naman ng tieronearchitects sa kanilang instagram, ay mapapansin ang ilang detalye ng interior ng bahay ng aktres kung saan mayroong mga naglalakihang salamin.

Marami namang mga netizens ang nagrerequest kay kim na magpa house tour ito. Samantala nagpaabot naman ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan ni Kim sa mundo ng showbiz kung saan kabilang na dito sina, vina morales, megan young, kaladkaren, at boyfriend nito na si xian lim.

Photo credits: kim chiu | Instagram
Photo credits: kim chiu | Instagram

Hindi natin maikakaila na isa si kim sa mga pinakamagagaling na aktres sa kanyang henerasyon, kaya naman sunod sunod ang proyekto na pumapasok sakanya.

Masasabi din natin na derve niya talaga ang mga ganitong bagay, kung saan ito naman talaga ang dahilan kung bakit siya nagtratrabaho, ang matupad ang kanyang mga pangarap.

Samantala ibinahagi binalikan naman ni kim noong mga panahong teenager palang siya at naninirahan sa Cebu, kung saan mayroon lang siyang dalawang pangarap at ito ay ang mapanood sa telebisyon at matulungan niya ang kanyang pamilya financially.

Photo credits: kim chiu | Instagram

ani kim,

15 years ago..,, I was just a teenager, a dreamer from Cebu with two impossible goals in my pocket. One is to be seen on TV, and the last is to help my family financially. I remember I always save 12 pesos in my baon for the week para may pamasahe going to church pag Sunday, I always pray at the Sto. Niño church and part of my prayer is these two pero dulo na dahil alam ko impossible and parang malabo lalo na yung una. Years and years later. I cannot believe that I am now living the dream, living the prayer that I once thought was impossible.
Looking back…. I am speechless; all I can say is that prayer is really powerful, followed by the drive of getting what you want and receiving it wholeheartedly and live the dream with a purpose.

I am happy to where I am now. I am feeling extra grateful to the people na tumulong sakin along the way. I cannot do this alone. Thank you for the unconditional LOVE and SUPPORT all these years, especially for all the TRUST you have given me. To my solid supporters who are there for me, thank you for not leaving my side. Ups and Downs nandyan kayo para sakin. SALAMAT!❤️ To my bosses who put their trust in me, Maraming Salamat Po. To my family, my source of inspiration. THANK YOU.❤️❤️❤️ #15YEARS #Grateful

“𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗲 𝘁𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗯𝘂𝘁 𝗚𝗼𝗱 𝗶𝘀 𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗶𝘁𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂 𝗮𝗿𝗲 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗻𝗼𝘄 𝘁𝗼 𝘀𝗵𝗮𝗽𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲 𝗵𝗲 𝘄𝗮𝗻𝘁𝘀 𝘁𝗼 𝗯𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂 𝗶𝗻𝘁𝗼 𝘁𝗼𝗺𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄. 𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗹𝗮𝗻𝘀 𝗲𝘃𝗲𝗻 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂 𝗱𝗼𝗻’𝘁 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱.”