Ito Na Ngayon Ang Masayang Buhay May-Asawa ng Dating Childstar Na Si Makisig Morales At Ng Kanyang Filipino-Aussie Beauty Queen Model Wife Na Si Nicole Joson

Hinangaan ng publiko ang husay ng dating childstar na si Makisig Morales pagdating sa pag-arte. At isa nga sa proyekto na kanyang ginawa na talagang tumatak sa publiko ay ang fantaseryeng “Super Inggo”.

Naging matagumpay ang karera ni Makisigq sa industriya ng showbiz, ngunit hindi nagtagal ay nagpasya ang batang aktor na lisanin na ito upang hanapin ang kaligayahan.

Photo credits: Nicole Morales | IG

At ngayon nga, ay masaya nang namumuhay ang 24 taong gulang na si Makisig sa piling ng kanyang Filipino-Aussie beauty queen-model wife na si Nicole Joson at kasalukuyang naninirahan sa Australia.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Pinakasalan ni Makisig ang kanyang napakagandang asawa na si Nicole noong Enero 9, 2019 sa isang simpleng seremonya na nahanap sa Sydney, Australia. Makikita naman na talagang masayang-masaya ang mag-asawa sa piling ng isa’t isa kung saan ay masisilayan ang kanilang pagmamahalan.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Sa katunayan nga nito, ay inamin ni Makisig sa isang interview noong 2020 na seloso siya pagdating sa kanyang asawa, at naglaho lamang ang selos at pangamba ng dating childstar nang maikasal na sila. Ibinahagi naman ni Makisig na magmula nang maikasal sila ay mas naging mature sila pareho ni Nicole at mas napatibay pa ang kanilang tiwala sa isa’t isa.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Samantala, para naman kay Nicole ay sinabi nito na hindi kailanman sumagi sa kanyang isip na magkakahiwalay sila ni Makisig, dahil alam niya kung gaano siya kamahal ng kanyang asawa.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Bago naman maging asawa ni Makisig si Nicole, at magpalit ng apelyido bilang Mrs. Morales, ay isa siyang kilalang beauty queen sa kanilang bansa na may hawak ng titulong Miss Earth Australia Charity 2017 at New South Wales (NSW) State Finalist para sa Miss World Australia 2017. Matapos namang iwan ni Makisig ang showbiz sa Pilipinas, ay naging abala siya bilang isang aspiring chef sa Challenger TAFE-Beaconsfield sa Australia. At dito na nga niya nakilala ang kanyang napakagandang asawa.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Talaga namang hahangaan ang angking kagandahan ni Nicole, ngunit maliban pala sa pagiging isang beauty queen ay isa rin itong modelo.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Tunay nga na natagpuan na ni Makisig ang hinahanap na kaligayahan sa piling ng kanyang napakagandang asawa. At kitang-kita naman na sa mga larawang ibinabahagi ng dating childstar sa social media ang kanilang kasweetan at wagas na pagmamahalan.

Photo credits: Nicole Morales | IG

Sa isang sweet post nga, ay inilarawan ni Nicole si Makisig bilang isang perpektong asawa na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya.

“Marry the man whose love is like God’s: faithful, eternal, and steadfast. This kind of love sticks through the hardest moments and buoys you through every storm. It’s a slow love, mundane in its dailyness. But it’s the kind of love you wake up to every morning… because you can trust that it will still be there.I am yours and you are mine. @makisig228”

Photo credits: Nicole Morales | IG

Sa pagdiriwang ng kanilang 2nd wedding anniversary, ay muling pinakilig ng mag-asawa ang kanilang mga followers sa kanilang sweet post bilang pagbati sa isa’t isa. Sa post ni Makisig ay sinabi niya na:

Photo credits: Nicole Morales | IG

“Malayo pa ang lalakbayin nating dalawa. Pero ang mahalaga, ikaw yung kasama ko sa paglalakbay. New Chapter and New Memories with you. I love you. @_nicolejoson_.”