Anak Ni Jennylyn Mercado Na Si Alex Jazz, Unti Unti Ng Umuusbong Ang Natural Nitong Kagwapohan At Karisma

Ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay isa sa hinahangaan ng marami sa atin, hindi lamang bilang isang mahusay na aktres, modelo at singer, kundi maging sa pagiging isa niyang matatag at mapagmahal na ina, lalo na sa kanyang panganay na anak na si Alex Jazz.

Hindi na lihim sa publiko ang mga kontrobersiya na pinagdaanan ng Kapuso actress magmula ng ipagbuntis niya ang kanyang panganay na anak na si Alex Jazz. Sa kabila nito, naging isang malaking biyaya pa rin para kay Jennylyn ang panganay niyang anak, kung saan ito ang kanyang lakas at sandalan para malagpasan ang lahat ng pagsubok at kontrobersiya na kanyang kinaharap.

Naging inspirasyon din ng aktres ang anak niyang si Alex Jazz para mas lalo pang magsikap at pag-igihan ang kanyang trabaho, upang ito ay mabigyan niya ng magandang buhay at kinabukasan.

Photo credits: Jennylyn Mercado | IG

Ngayon nga’y ganap ng teenager ang panganay na anak ni Jennylyn na si Alex Jazz, at habang ito ay nagbibinata mas kinakikitaan naman ito ng publiko ng angking kagwapuhan at karisma.

Samantala, kahit naman abala ang aktres sa kanyang showbiz career at sa kanyang bunsong anak na si Dylan, ay sinisigurado naman niya na siya’y mayroong sapat na oras at panahon para sa kanyang anak na si Alex Jazz. Hindi nga naging hadlang kay Jen ang kanyang career at pagkakaroon pa ng isang anak sa pakikipag-bonding niya sa kanyang panganay at pagkakaroon niya ng oras para rito.

Photo credits: Jennylyn Mercado | IG

Photo credits: Jennylyn Mercado | IG

Kamakailan nga lamang ay muling namataan at pinag-usapan ng publiko ang panganay na anak ni Jennylyn na si Alex Jazz, ito ay matapos na ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang kanilang naging masayang bonding habang sila ay nasa isang wellness at beauty clinic.

Photo credits: Jennylyn Mercado | IG

Maraming mga netizens ang humanga ng makita nila ang kagwapuhan at karisma na taglay ng panganak na anak ng aktres. Sa edad kasi na 14-taong gulang ay tunay na napakagwapong bata ni Alex Jazz, at hindi naman ito kataka-taka dahil sa napakaganda ng kanyang ina, at napakagwapo rin ng kanyang ama na si Patrick Garcia.

Photo credits: Jennylyn Mercado | IG

Tunay na hindi maitatanggi na habang nagbibinata si Alex Jazz ay mas lalo itong gumagwapo, kaya naman para sa marami ay posible ding sundan nito ang yapak ng kanyang mga magulang na pasukin din ang mundo ng showbiz.