Noong 15 years old kayo ano ang ginagawa nyo? Well, ang 15-years old na estudyanteng ito ay nagpapagawa lang naman ng bahay 2 storey house para sakanyang pamilya.
Sya si Love Marie Sabas Pugal na hinangaan sa social media matapos mag viral ang kanyang kwento. Natagpuan ni Love Marie ang magandang oportunidad sa youtube para kumita ng pera matapos gumawa noon ng mga short video animation kung saan habang tumatagal mas dumadami na ang kanyang mga followers.

Ang ama ni Love Marie ay isang Supervisor sa isang kapehan ngunit nawalan ito ng natraho noong pumutok ang pandemya, ang ina naman niya ay isang house wife at dahil dito ay talagang naghirap sila ng husto dahil walang income na pumapasok sakanila.

Noong una ay libangan lang ni Love Marie ang kanyang mga short video animation, hanggang nag focus na siya dito kung saan hindi niya alam na ito pala ang maghahatid ng ginhawa sakanilang pamilya.

Ani Love Marie na,
“Naisipan ko pong gumawa ng content and napaedit na rin po. Hilig ko naman po siya pero naganahan na po talaga ako magvideo kasi para makatulong na po sa magulang ko,”
Dagdag pa ni Love Marie na,
“Squishy Crafty Slime po ‘yung pangalan po ng YouTube ko, nagsimula po ako 2020.Tungkol sa Gacha life po, animation po siya sa YouTube. Nung December 2020 po, 100 followers pa lang ‘yung subscribers ko and ngayon po nasa 181k subscribers na,”

Ibinahagi naman ng ina ni Love Marie ang achievement ng kanyang anak sa sikat na facebook group na Home Buddies, isang grupo ng mga home enthusiast sa facebook. Dito ipinakita ng kanyang ina ang naipagawang bahay ng kanyang anak na isang 2 storey house na may roofdeck habang ang lot area naman nito ay 36sqm.

Mayroon itong apat na kwarto, at dalawang banyo kung saan gumastos sila dito ng higit kumulang Php1.2 Milyong Piso.

Ang kahanga hanga pa kay love marie ay maliban sa kanyang pag youyoutube ay nag oonline selling dito ito, ngunit kahit na marami syang ginagawa para kumita ng pera ay hindi pa din nito pinapabayaan ang kanyang pag-aaral at sa katunayan nga ay honor student din siya sa kanilang eskwelahan.