Robi Domingo, Ipinasyal Ang Kanyang Mga Tagahanga Sa Napakalawak Nilang Farm Na Matatagpuan Sa Pulilan Bulacan Na Tinawag Nilang Big Ben Farm

Isa sa mga popular at hinahangaan ngayon sa mundo ng telebisyon pagdating sa pagiging isang aktor, Vj at TV host sa reality talent competition na Pinoy Big Broter ay si Robi Domingo. Si Robi ay unan nakilala sa telebisyon ng siya ay maging isang housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition at sa huli ay hirangin na 1st Runner Up sa naturang kumpetisyon.

Hindi maikakaila na sa ilang taon na ni Robi sa mundo ng telebisyon, ay tunay na napakalayo na ng narating ng kanyang karera at patuloy siyang nagtatagumpay sa anumang tahakin niya sa kanyang buhay.

Samantala, sa tagumpay na tinatamasa ni Robi, hindi rin maikakaila na maging ang kanyang pamilya ay nakasabay at kasama niya sa marangyang buhay na mayroon siya ngayon, at ito ay dahil sa kanilang pagsisikap at pagtitiyaga. Isa sa mga katas ng pagsisikap ng pamilya ni Robi ay ang naipundar nilang malawak at napakagandang farm, ang The Eusebios Big Ben Farm na matatagpuan sa Pulilan, Bulacan.

Kamakailan lamang ay ipinasilip ng TV Host ang kanilang malawak at napakagandang farm, sa pamamagitan ng isang vlog. Pagbabahagi pa ni Rob isa unang bahagi ng kanyang vlog, ang pangalan ng kanilang farm ay hango sa Big Ben if Londo, na pinakamamahal umano ng kanyang Tita.

Photo credits: Robi Domingo | Youtube

“My Tita yung inspiration dun, she loves the Big Ben of London and then ginamit niya yung pangalan na ‘yun sa iba’t ibang business ng mga family namin”, ani Robi.

Kuwento pa ni Robi, nung una ay ayaw ipasabi ng kanyang pamilya ang patungkol dito, ngunit kalaunan umanno ay pumayag na ang mga ito.

Photo credits: Robi Domingo | Youtube

Photo credits: Robi Domingo | Youtube

Sa pagpapasilip naman ni Robi ng kanilang farm sa Bulacan, ay tunay naman na ito’y kamamanghaan. Unang ipinakita ng TV host ang kanilang chicken farm, kung saan dito masisilayan ang napakarami nilang mga alagang manok, na ayon kay Robi ay hindi pang business kundi para lamang ito sa kanilang personal consumption.

Photo credits: Robi Domingo | Youtube

Maliban sa kanilang chicken farm, ay ipinakita din ni Robi ang kanilang piggery, memorial area at training field sa loob ng kanlang family farm.

Photo credits: Robi Domingo | Youtube

Ibinahagi din niya na dating polo area ng kanilang farm ang ngayon ay training field na nila. Talagang napakaganda ng Eusebio Big Ben Farm ng pamilya ni Robi, at ayon sa TV host, ito ang isa sa mga pinagkukunan niya ng inspirasyon upang mas lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho.

Photo credits: Robi Domingo | Youtube

Ang Pulilan, Bulacan kung saan makikita ang family farm nina Robi, ay isa sa mga lugar na tunay na malapit sa puso ng TV host, kaya naman talagang labis ang kanyang kasiyahan na sa unang pagkakataon ay naibahagi na niya sa publiko ang lugar kung saan siya lumaki.

MY FAMILY FARM TOUR | Robi Domingo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *