“Proud katas po ng pag vo-vlog” Isang Ina, Nakapagpatayo ng Kanilang Pangarap na Bahay Matapos Laksan ang Loob at Kapalan ang Muka sa Pagawa ng mga Video Vlog

Marami sa mga sikat na personalidad ngayon ang nagpakita kung paano nabago ng kanilang mga vlogs ang kanilang buhay. Dahil nga maaaring kumita ang mga ito nang malaki sa tulong ng pagiging simpleng vloggers o influencers ay hindi imposibleng mangyari ito. Ang ilan sa kanila ay mayroon lamang na simpleng buhay noon ngunit ngayon ay umaapaw na ang kanilang yaman at mga ari-arian gaya na lamang ng lupa, bahay, at sasakyan.

Isa na nga sa mga vloggers na nabago rin ang buhay ay si Mariel Cayangho-Balingbing o mas kilala sa tawag na Mommy Ayek sa kaniyang mga vlogs. Ayon kay Mariel, dati silang nangungupahan sa isang maliit na kwarto. Naranasan din nilang pansamantalang manirahan sa kanilang mga magulang noong panahon ng pandemya dahil nawalan din sila ng trabaho.

Sa kabutihang palad, nagkaroon ng lakas ng loob si Mariel na gumawa ng mga vlogs at mula nga rito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na kumita. Ngayon naman ay nakabili na rin sila ng kanilang sariling bahay sa tulong ng trabahong ito.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Sa labas ng bahay ay mayroong simpleng porch na maaaring maging pahingahan at play area ng anak ni Mariel. May sapat na espasyo rin ang lugar na ito kaya naman maaari din itong magamit bilang garahe para sa maliliit na sasakyan.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Sa loob ng bahay ay makikita ang mga pangkaraniwang silid gaya ng living room at dining area. Simple ngunit moderno rin ang disenyo ng mga silid na ito na makikita sa iba’t ibang mga dekorasyon gaya na lamang ng wood panels, chandelier, at iba pa. Mayroon din silang dining set na gawa sa kahoy. Gaya naman ng mga modernong bahay ngayon ay mayroong inilaan na maliit na silid sina Mariel para sa kanilang pantry.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Sa tulong nito, magiging mas organisado ang kanilang mga kagamitan at supplies. Makikita naman ang isang bar o coffee nook malapit sa kusina. May kaliitan ang kusina kaya naman maaari itong magamit bilang karagdagang espasyo para sa paghahanda ng pagkain. Gaya ng nabanggit ay maaari itong magamit bilang coffee nook ngunit pwedeng-pwede rin naman ito bilang dining area.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ay makikita ang isang altar. Talagang matalino ang pagpili nila ng lokasyon nito dahil nakakatipid ito sa espasyo. Sa ikalawang palapag naman ay makikita ang mga kwarto.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Unang ibinahagi ni Mariel ang kwarto para sa kanilang anak na mayroong sapat na espasyo para sa kaniyang study at play area.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Ang ikalawang kwarto naman ay ang master bedroom na mayroon ding mini office na maaaring magamit ni Mariel para sa kaniyang trabaho.

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Mariel Cayangho-Balingbing | Facebook Group Home Buddies

Ipinasilip din niya ang simple ngunit functional na comfort room.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *