“Manifesting is real!”: Bumilib sa Naipatayong Dream House ng Netizen na Ito Matapos ang Pitong Taon na Sipag sa Pagtratrabaho at Pagnenegosyo

Naririnig at nababasa natin sa social media ang salitang, “manifesting” na mula umano sa “law of attraction” at ginagamit ng mga tao kung may pangarap sila na nais matupad. Ito rin ang ginawa ng bagong house owner na ito na ngayon ay talagang nag-eenjoy na sa kanilang modern house.

Pagmamay-ari nga ni Martina Floren ang modernong bahay na ito. Kwento niya, noon ay isang imahinasyon at pangarap lamang para sa kaniya ang pagkakaroon ng isang bahay. Sa katunayan, naghahanap lamang siya noon ng iba’t ibang ideya at inspirasyon mula sa iba’t ibang kilalang websites gaya ng Pinterest.

Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies

Sa tulong ng mga ideyang makikita rito, unti-unting nakabuo si Martina ng kaniyang sariling disenyo ng bahay bagamat wala siyang masyadong karanasan at kaalaman sa interior designing. Pinanghawakan lamang niya ang dream house na ito sa loob ng pitong taon.

Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies

Sa mga panahong ito, talagang nagsikap lamang si Martina sa pagtatrabaho upang makapag-ipon para sa kaniyang dream house.

Lahat nga ng pagtitiis ay nasuklian naman dahil ngayon ay masaya nang naninirahan si Martina sa kaniyang dream house. Ayon nga sa kaniya, talagang “Manifesting is real!” kaya naman ngayon ay malaki ang kaniyang pasasalamat sa biyaya na ito. Dahil rin dito, proud niyang ibinahagi sa iba ang kaniyang napakagandang dream house upang magsilbi ring inspirasyon sa mga homeowners-to-be.

Mula sa mga litratong ibinahagi ni Martina ay makikita na mistulang muji-inspired ang interior design ng bahay na ito. Punong-puno ito ng minimalist ngunit eleganteng disenyo.

Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies

Mapapansin nga na ang mga dingding at kisame ay mayroong puting pintura samantalang ang tiles naman na ginamit ay kulay puti rin. Ang mga mwebles naman gayundin ang iba pang bahagi at elemento ng bahay ay gawa sa kahoy. Ilang halimbawa na rito ang kanilang dining chairs at mga kabinet.

Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies

Maging ang kanilang bar stools ay gawa rin sa kahoy at siniguro din nilang mayroong kahoy na disenyo ang kanilang island counter.

Makikita rin na ang kanilang hagdan ay gawa sa kahoy gayundin ang mga chandelier at light pieces na mayroong wood accents. Maging ang kanilang sofa sa living room ay pasok pa rin sa kabuuang tema ng bahay.

Photo credits: Martina Floren | Facebook Group Home Buddies

Talagang napakaganda nga ng dream house na ito na mula sa sariling pagpaplano at pagsisikap ni Martina. Ayon nga sa kaniya, isang taon na rin silang naninirahan sa bahay na ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na natupad na nila ang kanilang pangarap.

Masasabi nga na talagang kontento sila sa bahay na ito bagamat marami pa ang kailangan nilang idagdag dito. Kwento niya, marami pang kulang na mga elemento rito kaya naman patuloy pa rin ang kanilang pagsisikap at pag-iipon.