Parami nang parami na ang mga tahanan na mayroong split-level design ngunit talagang agaw-pansin pa rin ito gaya na lamang ng retirement home na ito.
Ipinasilip nga ng architect ng bahay na si Raf Banaag ang kakaibang disenyo nito. Makikita ito sa Meycauayan, Bulacan na talaga namang isang perpektong lokasyon para sa mga taong naghahanap ng tahimik at magandang retirement place.
Ang lupang kinatatayuan ng bahay ay mayroong sukat na 465 sqm. samantalang ang mismong bahay ay mayroong sukat na 300 sqm. Kakaiba rin ang pangalan ng bahay na ito. Ayon kay Raf, tinatawag itong ‘Isla’ dahil napalilibutan ang property ng mga daan.
Bago pa man makapasok sa mismong bahay ay talagang nakakamangha na ang lanai na paboritong coffee nook ng mga homeowners. Ayon kay Raf, isa sa mga feature nito ay ang pagiging elevated ng lugar dahil sa split-level architecture ng bahay. Sa ilalim ng lanai na ito ay mayroong isang mini koi pond at garden kaya naman talagang nakakarelax ang lugar na ito.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Bukod dito, maaari ding makapagrelax ang mga homeowners sa kanilang outdoor swimming pool at pavilion na mayroong dining space.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Mayroon ding sliding gate sa isang bahagi ng espasyong ito na nagsisilbing partisyon ng pool at garden. Talagang makatutulong ito upang maging mas malawak ang lugar kung sakaling magkaroon sila ng mga bisita.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Pagpasok naman sa mismong bahay ay makikita ang living room, dining area, at kusina na mayroong high ceiling. Makikita sa living room ang ilang art pieces gayundin ang mga mwebles na mayroong klasikong disenyo.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Maging ang dining table ay mayroon ding klasikong disenyo kaya naman upang magkaroon ng balanse sa mga disenyo ay gumamit si Raf ng modernong elemento sa iba pang furnitures ng bahay.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Ilang halimbawa na rito ang main door at mga chandeliers. Napalilibutan din ng glass windows ang palapag na ito kaya naman makikita rin ang magandang outdoor space ng property mula sa loob.
Mula naman sa palapag na ito ay mapupuntahan ang master bedroom. Mayroon ding sariling walk-in closet at comfort room ang homeowners.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Dagdag pa rito, isa rin sa mga pribadong silid sa bahay ay ang man cave na makikita sa basement. Ayon kay Raf, dito makikita ang mga toy collection, liquor collection, at camping gears ng homeowners.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Ipinasilip din ni Raf ang isa sa mga guest rooms ng bahay. Mayroon itong sapat na espasyo para sa ilang tao at sigurado din naman na magiging komportable rito ang mga bisita dahil mayroon itong sariling toilet at bathroom.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Nakakabilib din ang bahay na ito dahil mula sa main house ay maaaring mapuntahan ng homeowner na isang doktor ang kaniyang clinic.
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Photo credits: Only Good Content | Youtube
Talagang hindi lang maganda ang bahay na ito ngunit convenient at relaxing din para sa mga homeowners lalo na kung nais na nilang makapag-retire mula sa kani-kanilang mga trabaho.