Isang Pamilya sa Davao Ipinasilip ang kanilang Naipagawang Pangarap na Tiny Farmhouse kung Saan Gumastos sila dito ng Halos Php1M

Marami na ngayon ang nagnanais na magkaroon ng isang farm kung saan sila maaaring magpahinga sa isang farmhouse at magtanim sa isang garden. Ito rin ang pangarap na natupad ng mag-asawang sina Rhoda at Reginald Cua. Pagmamay-ari nila ang farm na mas kilala bilang Eden Faith Garden. Makikita ito sa Toril, Davao.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ang farm na ito ay nabili ng mag-asawa noong 2019 at mayroon itong sukat na 5,700 sqm. samantalang ang floor area naman ng kanilang farmhouse ay 46 sqm. lamang.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Unang ipinasilip ni Rhoda ang balcony. Kung ang ibang balcony ay ginagamit bilang pahingahan, perpekto naman ang balcony ng farmhouse bilang dining area dahil bukod sa malawak ito ay talagang komportable at presko rin ang lugar.

Matatanaw rin mula rito ang ganda ng kanilang farm kaya naman mabubusog din ang kanilang mga mata habang sila ay namamalagi rito. Mayroon ding sala set sa isang bahagi ng balcony kaya naman ginagamit din nila ito bilang receiving area para sa kanilang mga bisita.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa loob naman ng tiny house ay bubungad ang kanilang customized king-sized bed. Sa halip na gawin nila itong isang pull-out bed ay ginamit nila ang ibabang bahagi ng kama bilang storage para sa kanilang mga damit at personal na kagamitan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Talagang wais ang pagpili nila ng ganitong disenyo ng kama dahil nakakatipid ito sa espasyo. Bukod dito, mayroon ding loft sa loob ng farmhouse kung saan namamalagi ang anak ng mag-asawa ngunit sa katunayan ay maaaring magkasya rito ang anim na tao.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa parte naman ng kanilang kusina ay makikita ang isang single counter. Magagamit na nila rito ang sink, stove, at ang malawak na espasyo para sa kanilang pagtatrabaho. Naglagay rin sila ng isang kabinet upang maging organisado ang kanilang mga supplies.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mahalaga para kina Rhoda ang magkaroon ng maayos na kusina lalo na at naninirahan ang kanilang pamilya sa farmhouse na ito sa loob ng tatlong araw sa isang linggo. Sa likod naman ng isang barn door ay ang kanilang palikuran. Hindi naman makukumpleto ang farm na ito kung wala ang isang vegetable garden at mga puno. Naglaan din sila ng espasyo para sa kanilang mga alagang hayop.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Bukod sa kagandahan ng farm at ng farmhouse, talagang sustainable din ang pagdesenyo nila sa farmhouse. Sa katunayan, ayon kay Rhoda ay mula sa Japan surplus ang mga mwebles na inilagay sa balcony, bedroom, at kusina. Sa kabila nito, malaking halaga pa rin ang nagastos ng pamilya upang maipatayo ang farmhouse.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ayon sa mag-asawa, umabot sa PhP970,000 ang nailabas nilang pera para sa konstruksyon nito ngunit kung susumahin naman ang kanilang mga gastusin kasama ang mga kagamitan na kanilang binili ay umabot sa PhP1.3 million ang kanilang nagastos.

Inside this 970K Tiny Farmhouse that Helps Couple Relive Fond Memories | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *