Isang Pamilya Proud na Ipinasilip ang Katas ng Kanilang Pinagtrabahoan at Pinagipunan, Ang kanilang Naipatayong Head Turning Two-Storey House

Marami ang naghahangad na magkaroon ng komportable at magandang bahay kung saan ang kanilang buong pamilya ay maaaring magsama-sama. Isa na rito ang netizen na si Jezreel Trillana. Kwento ni Jezreel, dati-rati ay isa lamang siya sa nagbibigay ng reactions sa mga social media posts ng ibang homeowners. Mula rin noon ay pinapangarap na niyang magkaroon ng simpleng bahay na bagamat hindi kasinglaki ng ibang mansyon ay matibay naman at ligtas sa anumang bagay.

Dagdag pa niya, ang mahalaga lamang sa kanila noon ay magkaroon ng isang bahay na hindi binabaha sa tuwing nagkakaroon ng high tide. Sa kabila nito, masasabi na talagang mapalad ang pamilya nina Jezreel dahil ngayon ay hindi lamang sila nabigyan ng sariling bahay kundi nakapagpatayo pa sila ng isang modernong two-storey house.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Ayon pa kay Jezreel, mayroong sukat na 120 sqm. ang lupang kinatatayuan ng kanilang bahay samantalang ang mismong bahay naman ay mayroong floor area na 166 sqm.

Mayroon itong dalawang palapag at isang garahe. Mula naman sa panlabas na arkitektura ng bahay ay mapapansin na ang moderno nitong disenyo. Mayroon itong kombinasyon ng kulay puti at gray ngunit sa loob ng bahay ay makikita ang all white na kulay mula sa mga dingding hanggang sa mismong furnitures.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Pag-amin ni Jezreel, wala pa silang nailalagay na mga mwebles o kahit ano pang mga dekorasyon sa living room at dining area dahil sa kanilang limitadong budget. Sa kabila nito, ang ibang silid ng kanilang bagong bahay ay semi-furnished na.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Gaya na lamang ito ng kanilang kusina na mayroong island counter na gawa sa marble tiles. Naglagay rin sila ng apat na adjustable bar chairs upang magamit ang counter na ito bilang dining table.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Ang kabilang bahagi naman nito ay maaaring magamit bilang working space. Dagdag pa ito sa single counter ng kusina kung saan makikita pa rin ang marble tiles gayundin ang mahahalagang kitchen equipments. Para naman sa kanilang storage space ay naglagay lamang sila ng puting storage cabinets.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Sa unang palapag din ay makikita ang isang powder room na mayroong sink, urinal, at toilet.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Ipinasilip din ni Jezreel ang kanilang master bedroom na mayroon ding puting kulay at minimalist na tema. Upang maging elegante naman ang kwarto ay gumamit sila ng chandelier at pendant light.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Talagang bongga ang master bedroom na ito dahil mayroon din silang master bathroom na mayroong toilet, shower area, bathtub, at double sinks. Bukod sa master bedroom ay mayroon din silang karagdagang tatlong kwarto. Ang dalawa sa mga ito ay mayroong loft bed na talaga namang nakakatipid sa espasyo lalo na at limitado lamang ang sukat ng mga kwartong ito.

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jezreel Trillana | Facebook Group Home Buddies

Ang ikatlong kwarto naman ay mayroong pull-out bed kaya naman kasyang-kasya rito ang ilang tao. Dahil dito, perpekto ang kwartong ito bilang isang guest room. Mayroon ding common comfort room sa ikalawang palapag na para sa ibang miyembro ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *