Pamilya na Dating Naninirahan lang sa Squatter Area, Ngayon ay Mayroon Nang Bongga at Eleganteng Bahay

Kahanga-hanga ang mga breadwinners na walang-sawang nagtatrabaho para mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya. Sa katunayan, ang mga breadwinners na ito ay marami nang naisakripisyo upang maitaguyod lamang ang kanilang pamilya. Silang lahat ay patuloy rin na nagsisikap upang maabot ang kanilang pangarap na maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ito rin ang pinapangarap noon ng netizen na si Emma Bonete na ngayon ay mapalad na tinatamasa ang bunga ng kaniyang pagsisikap.

Totoong mahirap ang manirahan sa mga informal settlements. Bukod sa banta sa seguridad ng mga naninirahan dito ay hindi rin komportable at tahimik ang karamihang informal settlements. Dahil dito, marami ang gaya ni Emma na nagsisikap na makaalis dito. Kwento ni Emma, ang pagkakaroon ng magandang tahanan ang kaniyang pangarap noon pa man dahil dati silang naninirahan sa isang squatters community.

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Dahil sa pangarap na ito ni Emma, hindi lamang isang simpleng bahay ang kaniyang ipinagawa kundi isang bonggang two-storey house. Pagpasok sa property ay makikita ang isang garden. Perpekto ito para sa picnic o simpleng salo-salo ng pamilya. Mayroon itong mistulang outdoor kitchen kung saan makikita ang iba’t ibang kagamitan gayundin ang isang dining table samantalang sa garden naman ay makikita ang isang grilling station. Pagdating naman sa loob ng mismong bahay ay mapapansin ang minimalist ngunit eleganteng tema ng bahay.

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Sasalubong dito ang living room at dining space na parehong mayroong wood theme dahil sa iba’t ibang furnitures na gawa sa kahoy. Ipinasilip din ni Emma ang kanilang comfort room gayundin ang dalawang kwarto na pwedeng-pwedeng maihalintulad sa isang hotel.

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Dahil dito, kumpara sa dating kondisyon ng tirahan nina Emma ay masasabing ibang-iba na ang kanilang bahay at buhay. Siguradong masasabi nila na malayong-malayo na sila sa dati nilang pamumuhay at mas kontento sila sa komportableng buhay nila ngayon.

Totoong napakaganda at kakaiba ang disenyo ng bahay na ito ngunit hindi rin naman maitatanggi na mas kahanga-hanga ang kwento ni Emma at kung paano niya naabot ang kaniyang pangarap bilang isang breadwinner ng kanilang pamilya. Siguradong marami ang magkakaroon ng inspirasyon, hindi lamang ang mga homeowners na nagdedesenyo ng kanilang mga bahay kundi pati na rin ang mga kapwa-breadwinners gaya ni Emma na mayroong parehong pangarap.

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Photo credits: Emma Bonete | Facebook

Dahil dito, minabuti ni Emma na magbigay rin ng payo para sa mga breadwinners na gaya niya na handang gawin ang lahat para sa pangarap. Ayon sa kaniyang social media post, hangga’t maaari ay huwag sumuko dahil sa tamang oras ay makakamit din nila ang kanilang mga pinapangarap. Mahalagang laging alalahanin ang pamilya gayundin ang pagtitiwala sa sarili at sa Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *