Marami na ang nagpatunay na malayo ang mararating ng maliliit na negosyo. Dahil sa kanilang mga small business, unti-unti nilang natutupad ang kanilang mga pangarap, mula sa simpleng pagtustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya hanggang sa pagpundar ng iba’t ibang properties gaya na lamang ng bahay at lupa. Ito nga ang naabot ng negosyanteng ito sa tulong ng kaniyang small business.
Mula sa mga litratong ibinahagi sa social media ay makikita na talagang simple lamang ang tiny house na ito at masasabi na mukhang luma na ito ngunit ngayon nga ay napakaganda na nito dahil na rin sa pagiging malikhain ng negosyanteng ito.
Sa unang palapag pa lamang ng tiny house ay makikitang punong-puno na ito ng makukulay na palamuti. Kumpara naman sa dati nitong itsura ay mas maaliwalas na ito dahil sa puting kulay na ginamit para sa mga dingding.
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
At dahil isa nga itong tiny house ay importante na magamit ang bawat espasyo rito. Sa living room ay mayroong sofa na mayroong katamtamang laki. Gumamit din sila ng isang display cabinet na maaaring mapaglagyan ng kanilang telebisyon.
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Bukod dito, pwedeng-pwede rin nila itong magamit bilang storage space para sa kanilang iba’t ibang kagamitan. Bagamat limitado lamang ang espasyo rito ay hindi pa rin nila nakalimutang maglagay ng iba’t ibang dekorasyon at indoor plants upang maging mas maganda at homey ang bahay na ito para sa buong pamilya.
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Minimalist at kakaiba naman ang ginamit na mesa para sa dining area. Sa isang bahagi nito ay makikita ang isang mini bar na naghihiwalay sa kusina at dining area. Bukod dito ay maaari din itong magamit bilang karagdagang dining space kung sakaling magkaroon ng bisita ang pamilya.
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Sa mga ordinaryong araw naman ay maaari din itong magamit bilang working space. Kapansin-pansin din ang storage space sa ilalim na bahagi nito na perpekto para sa kanilang mga utensils, supplies, at iba pang mga kagamitan. Sa mga tiny houses na gaya nito ay talagang mahalaga ang pagkakaroon ng space-saving na mga gamit.
Dahil dito, talagang kahanga-hanga ang homeowner dahil sa kaniyang matalinong pagpili ng mga furnitures na gagamitin gaya ng mini bar o counter table na ito.
Pagdating naman sa kusina ay masasabi na bagamat may kaliitan ang espasyo para dito ay functional naman ito. Kumpleto ito sa mga appliances at nakapaglagay rin ang homeowner ng shelf para sa iba pang mga kagamitan.
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Dagdag pa rito ay ipinasilip din ng homeowner ang kanilang napakagandang comfort room.
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Photo credits: Pbm Crafts | Facebook Group Home Buddies
Para naman sa ikalawang palapag ng bahay, ibinahagi ng homeowner na kasalukuyan itong ginagamit bilang production area para sa kaniyang negosyo habang siya ay nag-iipon pa lamang para sa renovation nito. Gaya ng unang palapag ay siguradong magiging perpekto rin naman ito sa hinaharap.