Isang Fish Vendor sa Marikina, Nakapagpatayo ng Four-Storey House Matapos ang Halos Tatlong Dekadang Pagtatrabaho

Totoo na kahit anong trabaho na marangal ay dapat ipagmalaki ninuman dahil kung hindi dahil sa trabahong ito ay hindi natin makakamit ang ating kasalukuyang katayuan. Dahil nga sa trabahong ito ay naabot natin ang ating mga pangarap, mula sa simpleng pagtustos sa ating pang-araw-araw na mga pangangailangan hanggang sa pagpapa-aral ng ating mga mahal sa buhay.

Bukod dito, ang iba ay mapalad din na nakapagpundar ng iba’t ibang ari-arian dahil sa kanilang walang-kapagurang pagtatrabaho mula umaga hanggang gabi.

Photo credits: Eat Bulaga | Youtube

Unang nakilala ang kahanga-hangang fish vendor na ito sa noontime variety show na Eat Bulaga. Isa si Tina sa mga kalahok sa segment nitong Bawal ang Judgmental. Dito, proud na ibinahagi ni Tina ang kaniyang mga nakamit na pangarap sa tulong ng kaniyang trabaho at negosyo sa palengke. Kwento niya, nagtitinda siya ng isda at iba pang seafood sa Marikina Market sa loob ng 29 na taon.

Photo credits: Eat Bulaga | Youtube

Katuwang niya rito ang kaniyang kapatid na lalaki na siyang bumibili ng mga isda at seafood sa Malabon. Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang pagtatrabaho ni Tina dahil bukod sa mga isda at seafood ay minsan na rin siyang nagtinda ng siomai para lamang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pitong anak.

Kung ang iba rin ay naghahangad lamang na matustusan ang kanilang pang-araw-araw na mga gastusin, iba si Tina dahil mataas ang kaniyang pangarap. Isa na nga rito ay ang mapag-aral ang kaniyang mga anak at magkaroon ng isang bahay para sa kaniyang pamilya.

Ayon nga kay Tina, dahil madalas na binabaha ang kanilang lugar at pinangarap niya noon na magkaroon ng isang two-storey house ngunit talagang napakabuti ng Diyos dahil ngayon ay napag-aral na niya ang kaniyang mga anak at biniyayaan pa siya hindi lamang ng isang two-storey house kundi isang four-storey na bahay.

Photo credits: Eat Bulaga | Youtube

Photo credits: Eat Bulaga | Youtube

Ayon kay Tina, simple lamang ang kaniyang sekreto sa pag-abot ng pangarap na ito. Sa loob ng halos tatlong dekadang pagtatrabaho, sipag at dasal umano ang kaniyang pinakamahalagang puhunan upang maipundar ang bahay na ito. Wala namang duda na epektibo ang mga sekreto niyang ito. Dahil sa kaniyang pagsisikap sa trabaho gayundin ang kaniyang pagiging madiskarte sa paghahanap ng iba pang mapagkakakitaan, napag-aral niya ang kaniyang mga anak at ngayon nga ay nakapagpundar na siya ng kaniyang inaasam na dream house.

Syempre, hindi rin naman magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang tulong at biyaya mula sa Diyos. Kung ipagpapatuloy pa ni Tina ang paggamit ng dalawang sangkap na ito sa kaniyang tagumpay, siguradong marami pa siyang maipupundar at hindi malayong matatamasa na niya ang kaginhawaan sa buhay.

Palengke Vendor, proud sa kanyang trabaho at napundar | Bawal Judgmental | January 26, 2023

One Reply to “Isang Fish Vendor sa Marikina, Nakapagpatayo ng Four-Storey House Matapos ang Halos Tatlong Dekadang Pagtatrabaho”

  1. The next time I read a blog, I hope that it does not disappoint me as much as this particular one. After all, Yes, it was my choice to read, nonetheless I truly thought you would probably have something helpful to talk about. All I hear is a bunch of whining about something that you could fix if you werent too busy looking for attention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *