Mamangha Sa Bahay Kubo Na Ito Na May Napaka Preskong Disenyo At Napapalibutan Ng Kulay Berde Na Palayan at mga Pananim na Gulay

Mapapansin ngayon ang marami at kakaibang disenyo ng mga bahay kubo. Karaniwan nga sa mga bahay kubo ngayon na ginagamit bilang permanenteng tahanan ay sinisigurong matibay at nakapagbibigay ng sapat na proteksyon at privacy.

Dahil dito, marami sa mga bahay kubo na ito ay gumagamit hindi lamang ng mga tradisyunal na light materials kundi mayroon na ring mga semento, yero, at iba pang konkreto at mas matibay na mga materyales.

Ngunit para naman sa mga bahay kubo na ginagamit bilang bahay-bakasyunan, tamang-tama lamang ang mga materyales na gawa sa kahoy at amakan dahil talagang presko at komportable ito para sa mga mamamalagi rito. Lalong magiging komportable rin ito kung mayroong open na disenyo ang buong bahay.

Gaya ng mga pangkaraniwang bahay kubo ay kumpleto sa mga silid ang bahay na ito ngunit talagang kapansin-pansin ang pagiging open ng bahay dahil wala itong mga bintana na maaaring maisara.

Dahil dito, buong araw na magiging maliwanag at maaliwalas sa buong bahay. Hindi na rin kinakailangan pa ng air-conditioning unit o kaya naman ay electric fan dahil nakakapasok rito ang preskong hangin. Mainam nga ang ganitong disenyo ng bahay lalo na at maaaring makatipid sa kuryente ang may-ari ng bahay.

Sa isang bahagi ng bahay ay ang kusina. Mistulang napakalawak ng kusinang ito dahil sa disenyo ng bahay kaya naman magiging komportable ang pagtatrabaho dito. Kumpleto rin ito sa mga kagamitan at appliances gaya ng charcoal stove, refrigerator, at oven. Bukod dito ay mayroon din silang hiwalay na espasyo para sa sink.

Para naman sa kanilang dining space, mayroong malawak na dining table sa isang bahagi ng bahay kung saan matatanaw nila ang magandang view ng kanilang lugar habang sila ay nagsasalo-salo.

Maging ang mga kwarto nga sa bahay na ito ay open din kaya naman talagang presko at komportable ang pagpapahinga nila rito. Sigurado din naman na talagang mararamdaman nila ang katahimikan sa probinsya.

Dahil din sa disenyong ito ay maaaring magkasya ang mas maraming tao. Para naman sa mga bisita na nais magkaroon ng mas pribadong lugar ay mayroon din namang kwarto na mayroong sapat na dingding at bintana.

Hindi rin naman makukumpleto ang bahay kubo na ito kung wala ang vegetable garden. Makikita ito sa gilid ng bahay kubo at talagang kumpleto ito sa iba’t ibang gulay.

Dahil naman sa ganda ng mga litrato ng bahay kubo na ito ay umani ito ng napakaraming positibong reaksyon mula sa mga netizens.

Sa katunayan, marami ang nagkaroon ng ideya para sa kanilang mga ipapatayong bahay kubo samantalang ang iba naman ay nahikayat na magbakasyon at manirahan sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *