Aktres na si Glaiza De Castro, Ipinasilip ang Kaniyang Kauna-unahang Café at Bed and Breakfast Business sa Baler

Marami sa mga sikat na personalidad ang nahuhumaling sa kagandahan, kasimplehan, at katahimikan ng mga farms sa probinsya at mga resorts sa iba’t ibang beaches. Ngunit maging ang mga simpleng tao ay talagang inaasam din na bumisita at makapag-enjoy sa mga ganitong lugar. Isa nga sa mga dinadayong tourist destinations sa bansa ay ang Baler, Aurora.

Ang Baler ay kilala bilang surfing spot sa Pilipinas at dahil na rin sa angking ganda nito, hindi na sekreto na ito ang pinupuntahan ng mga sikat na personalidad upang pansamantalang magpahinga mula sa kanilang abalang buhay. Sa katunayan, isa ang aktres na si Glaiza de Castro sa mga personalidad na napamahal na sa lugar na ito.

Ibinahagi nga ng aktres na dito siya namalagi noong panahon ng pandemya at talagang nakatulong ang lugar na ito upang mabawasan ang kaniyang anxiety.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Nakitaan niya rin ng potensyal ang lugar na ito pagdating sa pagbubukas ng isang negosyo. Dahil dito, nagdesisyon siyang magbukas ng dalawang negosyo sa tulong ng kaniyang asawang si David Rainey.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Isa nga sa mga negosyong binuksan ni Glaiza ay ang kaniyang café na mas kilala bilang Brewbox Baler Cafe. Kwento ni Glaiza, taong 2021 pa nang simulan niyang pagtrabahuan ang café na ito. Ngayon, mayroon na itong iba’t ibang produkto gaya ng kape, pancakes, cookies, at iba’t ibang klase ng tinapay.

Ang ikalawang negosyo naman na kaniyang sinimulan ay ang bed and breakfast na Casa Galura. Ayon kay Glaiza, ito ang partikular na negosyo na kaniyang binuksan dahil naaalala niya rito ang kaniyang kabataan gayundin ang mga panahon na nakakapagdaos ang kanilang pamilya ng isang reunion.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Dahil dito, masasabi na kahanga-hanga ang hangarin ni Glaiza dahil nais din niyang maging parte ng masayang karanasan ng ibang pamilya na maninirahan sa kanilang lodging establishment. Dagdag pa rito, hindi lamang ito ang rason kung bakit siya nagtayo ng isang bed and breakfast.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Sa katunayan, ang pagkakaroon ng isang property na tulad nito ay matagal nang pangarap at pangako ni Glaiza sa kaniyang lolo at lola kaya naman bagamat yumao na ang mga ito ay humingi pa rin siya ng paumanhin dahil matagal na panahon ang lumipas bago niya matupad ang pangako na ito. Inialay din niya ang negosyong ito para sa kaniyang lolo at lola.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Talagang kahanga-hanga ang mga artista gaya ni Glaiza na naglalakas-loob na magtayo ng mga negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Sigurado din na magiging matagumpay ang mga ito dahil marami sa kanilang fans ang nais na bumisita rito. Higit pa rito, gaya ng ibang negosyo ay kailangang pagtuunan ito ng sapat na atensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *