“From Construction Site To Kitchen” Engineering Grad Nagshift Ng Career, Isa Na Ngayong Full-Time Baker At Kumikita Ng 6-Digit Income Sa Loob Ng Isang Buwan

Ang tagumpay ng isang tao ay hindi nababase sa kung anong karera ang kinuha, may mga ilan na hindi inakala na sa ibang karera pala sila magtatagumpay. Katulad nalang ng isang engineering student na kung saan sa pagbabake ng cake nahanap ang inaasam na pag-ulad ng buhay.

Siya si Danica Lynne Casta na matapang na ipinagpalit ang kanyang karera sa pagiging isang Engineer sa pagiging isang Full Time Baker. Si Danica o mas kilala bilang Nica ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak ay nagtapos ng Bachelor of Science in Construction Engineering and Management sa MAPUA State University.

Kwento ni Nica na kakagraduate lang niya noon at mayroon siyang trabaho ngunit dahil sa kumakalat na sakit dulot ng pandemya ay napilitan siyang manatili nalang sa bahay. Dahil sa pandemya apektado din ang pinansyal ng kanilang pamilya kaya naman para makatulong sakanyang pamilya nagisip ng paraan si Nica kung paano kumita ng pera kahit sa bahay lang siya.

Photo credits: Philippine Star

Gamit ang kanyang natirang kita sa kanyang huling sahod, bumili siya ng oven na maliit at dito sya nagsimula na magbake, madalas niyang ipinagbabake ang kanyang pamangkin na si Amber, kaya dito niya na nakuha ang ideya na magsimula ng cake business kung saan pinangalanan niya itong “Amberlyns Cake.”

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start.”

Photo credits: Philippine Star

Photo credits: Philippine Star

Dahil dito hindi inakala ni Nica na magboboom ang kanyang cake business kung saan kumikita na siya ng 6-digits sa loob lang ng isang buwan. Umaabot sa mahigit 1,000 orders ang natatangap ni Nica sa loob ng isang buwan at kasalukuyan ay mayroon narin siyang 8 empleyado na kanyang katuwang sa kanyang negosyo.

Photo credits: Philippine Star

Marami naring sikat na showbiz celebrities ang naging costumer ni Nica kagaya nalang nila Sofia Andres, Mark Herras, Jed Madela at iba pa. Nafeature narin siya sa mga sikat na online magazine kagaya ng preview at tv show na KMJS.

Photo credits: Philippine Star

Hindi din makapaniwala si Nica na mula sa pagiging isang engineer ay isa na siya ngayong matagumpay na fulltime-baker at wala siyang pinagsisihan sa biglaang pagpalit ng kanyang karera na tinahak.

“Hindi ko talaga naisip na magiging baker ako kasi suntok sa buwan lang yung sa lockdown, tapos biglang nahilig ako sa pagbake. Then, ganito na and nangyari, may business na ako,” – pagbabahagi ni Nica.

Photo credits: Philippine Star

Photo credits: Philippine Star

Photo credits: Philippine Star

Talagang mahiwaga ang buhay at hindi talaga natin masasabi kung saan karera tayo magtatagumpay, ngunit ang pag-iwan sa kumportableng sitwasyon ng buhay ay isang malaking hakbang at dapat talagang pag-isipan dahil may kalakip itong kahihinatnan ngunit kapana-panabik naman dahil hindi mo alam kung ano ang magiging resulta at epekto nito sa iyong hinaharap.

Isa si Nica sa mga kahanga-hanga at dapat gawing ehemplo ng mga kabataan ngayon na nangangarap din magkaroon ng sariling negosyo pero natatakot umalis sa kanilang kumportableng sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *