Dating Aktres na si Cristina Gonzales, Ipinasilip ang Kaniyang Magarbong Mansyon na May Modern Classic Interior Design

Isa sa mga kinikilala at hinahangaang artista ng kaniyang henerasyon si Cristina Gonzales. Una siyang nakilala bilang aktres noong dekada ’80s sa kaniyang pagganap bilang Rowena sa palabas na Iyo ang Batas, Akin ang Katarungan. Matapos naman ang kaniyang huling pelikula noong 1996 ay nagpakasal na si Cristina sa kaniyang asawa na si Alfred Romualdez.

Simula nga noon ay pansamantalang huminto si Cristina sa kaniyang pagtatrabaho sa harap ng kamera upang matutukan nang mabuti ang kaniyang pamilya. Sa kabila nito, patuloy pa rin siyang sumubok ng iba’t ibang bagay at propesyon. Isa na nga rito ang kaniyang pagpasok sa pulitika bilang isang konsehal sa Tacloban mula 2007 hanggang 2016.

Pagkatapos ng kaniyang termino ay naihalal din siya bilang mayor sa parehong lungsod mula 2016 hanggang 2019. Pagkatapos naman nito ay sinubukan din ni Cristina na sumali sa kaniyang kauna-unahang beauty pageant sa Tokyo, Japan noong 2022.

Sa kabutihang palad, nagwagi siya bilang Noble Queen of the Universe. Hindi rin naman ito nakapagtataka lalo na at mayroong angking ganda ang aktres.

Ngunit talagang mahirap kalimutan ang totoong passion ni Cristina at ito nga ang pag-arte at pagtatanghal sa harap ng kamera. Dahil dito, nagbalik siya sa showbiz noong 2021 at mula nga noon ay kaliwa’t kanan na ang kaniyang mga proyekto at TV guestings. Sa katunayan, nagkaroon din siya ng pagganap sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Masasabi na talagang makulay at naging matagumpay si Cristina sa anumang karera na kaniyang pinasok. Dahil dito, hindi na nakapagtataka na marami na siyang naipundar na mga ari-arian. Isa na nga rito ang kaniyang magarbong mansyon na kaniyang ipinasilip. Sa foyer pa lamang ay mapapansin na ang kombinasyon ng klasiko at modernong disenyo ng kanilang bahay.

Talagang homey rin ang bahay na ito dahil makikita sa iba’t ibang parte ng bahay ang kaniyang mga litrato mula pa noong siya ay bata pa lamang hanggang ngayon na isa na siyang ina. Sa living room naman ay makikita ang magarbong mga kagamitan tulad na lamang ng kaniyang sofa at grand piano na kadalasang ginagamit ng kaniyang mga anak. Talagang perpekto ito bilang receiving area para sa kanilang mga bisita ngunit tamang-tama rin naman ito bilang family room kung saan maaaring magbonding ang kanilang buong pamilya.

Tulad ng foyer at living room ay mayroon ding parehong klasikong disenyo ang kusina kung saan makikita ang kanilang L-shaped counter at island counter.

Makikita rin ang kanilang mga storage cabinets na gawa sa kahoy. Dahil sa mga ito ay siguradong komportableng nakakapagtrabaho at nakakapaghanda rito si Cristina para sa kaniyang pamilya. Ipinasilip din niya ang kanilang lanai na talaga namang kahanga-hanga.

Cristina's Mini House Tour | Cristina Gonzalez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *