Barbie Forteza Binalikan Ang Negosyo Dati Ng Kanyang Ina Na Yema at Pastillas, Habang Ang Kanyang Ama Naman Ay Namamasada ng Tricycle

Hindi natin pwedeng maliiting ang isang maliit na negosyo, lalo na kung ito ang nagbibigay ng araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya. Marami na ang natunghayan nating kwento ng mga maliliit na negosyo na nagtagumpay at ngayon ay kumikita na ng limpak limpak na salapi.

May ilan naman na nairaos ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil sa kinikita nila sa kanilang maliit na negosyo. Katulad nalang ng sikat na aktres na si Barbie Fortaleza na inamin na namumuhay lang noon ng simple kasama ang kanyang ina na isang yema vendor samantalang ang kanyang ama naman ay isang tricycle driver.

Sa isang interview ni Karen Davila kay Barbie, ibinahagi ng batang aktres na noon ay simple lang ang kanilang pamumuhay, mayroon silang family business sila na Yema at Pastillas at ang mama niya din ang gumagawa ng kahon para sa mga ito samantalang ang kanyang ama naman ay namamasada ng tricycle.

“Yung daddy ko nga po tricycle driver dati, ‘yung nanay ko, may family business po kasi kami na yema and pastillas, tapos si mama ‘yung gumagawa ng kahon.” – saad ni Barbie.

Inamin naman ni Barbie na siya talaga ang nagdesisyon na pumasok sa mundo ng pag-aartista at hindi siya pinilit ng kanyang mga magulang. Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil kahit minsan ay kinakapos sila, hindi kailanman pinaramdam ng kanyang mga magulang sakanya na nahihirapan ang mga ito at pilitin siya na mag artista para magkaroon sila ng extra na kita.

“To be completely honest, I am really thankful for my parents for this dahil ginusto kong maging artista; hindi nila sinabi na, ‘Nak mag-artista ka dahil kailangan natin ng pang extra.’ Never nilang ipinaramdam sa amin ni ate na kailangan naming tumulong sa kanila. Ito gusto ko talaga,”

Ngayong may sapat na kita na si Barbie sa pag-aartista niya ay nagdesisyon itong patigilin na sa pag-tratrabaho ang kanyang mga magulang at sustentohan nalang ang mga ito sa lahat ng kanilang mga pangangailangan.

“Pinatigil ko na po ‘yung parents ko na magtrabaho. Nu’ng medyo umokey-okey na po ‘yung income, sabi ko hindi na kailangan, kasi kaya ko naman,” pagbabahagi ni Barbie.

Naging inspirasyon naman ang kwento na ito ni Barbie sa mga netizens dahil sa sipag niya sa pagtratrabaho para mai-angat at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Talagang hindi niya kinalimutan ang kanyang mga magulang kahit ngayong siya ay sikat na.

BARBIE FORTEZA & DAD In Tears Sharing Her Journey To Stardom! | Karen Davila Ep90

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *