14 Ektaryang Lupain na Nabili ni Dolphy sa Calatagan Batangas, Pinapatayuan ng Isang Resort na may Museum Hotel at dito Ilalagay lahat ng kanyang mga Memorabilia at Tatawagin nila itong Dolphyville

Si Rodolfo Quizon o mas kilala sa kaniyang screen name na Dolphy ang isa sa mga beteranong aktor at komedyante na talagang kinikilala, hinahangaan, at nirerespeto ng maraming fans at maging ng ibang mga aktor at aktres dahil sa dami ng de-kalidad na pelikulang kaniyang pinagbidahan at inilabas. Dahil sa matagumpay na karera ni Dolphy ay tinagurian siya bilang Hari ng Komedya.

Kahit ngayon na namayapa na ang aktor ay talagang marami pa rin ang nakakaalala sa kaniyang husay at talento. Isa nga sa maituturing na “Number 1 fan” ni Dolphy ay ang kaniyang kasintahan na si Zsa Zsa Padilla. Bagamat may sarili nang partner ngayon ang singer ay hindi maitatanggi na mayroong espesyal na lugar si Dolphy sa puso ni Zsa Zsa.

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Zsa Zsa ang 14 ektaryang lupain sa Barangay Talisay, Calatagan, Batangas na nabili nilang dalawa ni Dolphy noong nabubuhay pa ito. Kasama niya sa tour na ito ang mga anak ni Dolphy na sina Zia at Epy Quizon.

Ayon kay Zsa Zsa, dahil sa laki ng lupaing ito ay walang duda na mas malaki na ang halaga nito ngayon. Dagdag pa ng singer, dati itong Mango Farm ng pamilya Quizon ngunit makikita na mayroon pang potensyal ang property na ito. Dahil dito, ngayon ay mayroon silang mas bonggang plano para sa lupain na ito.

Pagbabahagi ni Zsa Zsa, nais nilang magtayo ng isang resort at hotel dito na tatawagin nilang Dolphyville Manor. Dagdag pa rito, sa laki ng Dolphyville Estates ay makikita na napakarami nitong mga kalye kaya naman nais nilang ipangalan ang main road kay Dolphy samantalang ang ibang kalye naman ay ipapangalan sa mga anak ng aktor ngunit ayon naman kay Epy ay mas kanais-nais kung ipapangalan ang mga ito sa mga sikat na karakter na ginampanan ni Dolphy.

Isa rin sa malaking proyekto na pinagpaplanuhan ni Zsa Zsa ay ang pagpapatayo ng isang museo bilang pag-alala sa kanilang pinakamamahal na Hari ng Komedya. Talagang isang magandang paraan ito upang mapanatili siyang buhay sa alaala ng kaniyang buong pamilya. Posible rin itong maging bukas sa publiko kaya naman siguradong marami ang matutuwa at bibisita rito lalo na ang mga malalapit na kaibigan, katrabaho, at mga tagahanga ng aktor.

 

Talagang maganda ang mga planong ito para sa property na naipundar ni Dolphy mula sa ilang dekada niyang pagtatrabaho. Isang magandang paraan din ang mga ito upang pahalagahan ang kaniyang mga pinaghirapang ari-arian. Higit sa lahat, ang kanilang mga plano ay isang magandang ideya upang alalahanin ang isang “icon” sa industriya ng showbiz.

CALATAGAN, BATANGAS WITH EPY AND ZIA QUIZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *