“What God has for you, is for you. Trust His timing. Trust His plan.” Mag-asawa na Pangarap lang dati ay Bumukod, Ibinahagi na Mas Higit pa sakanilang Pinangarap ang Ibinigay sakanila ni Lord

Bago pa man magkaroon ng isang magandang tahanan ang mga homeowners at ang kanilang pamilya, marami ang kailangang pagdaanan. Bagamat hindi agad-agad na naisasakatuparan ang mga plano ay tiyak na unti-unti ring mangyayari ito.

Isang halimbawa na nga rito ang home improvement na ginawa ni Katt Escal at ng kaniyang asawa. Kwento ni Katt, noong Enero 2021 pa nang mabili nila ang bahay na ito at mula nga noon ay unti-unti na nilang naisakatuparan ang mga plano para sa kanilang home improvement upang mapaganda pa ang kanilang family home.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Mayroong dalawang palapag ang bahay na ito. Noong nabili rin ito ng pamilya ay makikitang wala itong gate at bakod ngunit makikita na nga ang mga ito ngayon na mayroong nababagay na disenyo, kulay, at tema sa mismong bahay. Ang dating porch ng bahay ay ginawa na rin nila ngayong garahe at play area o pahingahan. Upang maging mas maganda ang lugar at upang maging mas komportable na rin dito ang pamilya ay naglagay rin sila ng fake grass at bench.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Sa loob naman ng bahay ay sasalubong ang simpleng living room na mayroong sala set at telebisyon. Importante rin ang mga palamuti sa isang bahay. Nakapagbibigay ito ng personal touch sa isang espasyo na nakatutulong upang mas maging homey ang isang bahay.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Dahil dito, ibinahagi rin ni Katt ang iba’t ibang palamuti rito gaya na lamang ng mga bulaklak, scented candles, artworks, at ang litrato ng kanilang pamilya. Upang makatipid sila sa espasyo ay ginamit nila ang bawat sulok at natitirang espasyo ng lugar.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Kakaiba rin ang layout ng kanilang kusina at dining area. Sa isang makitid na espasyo ay makikita ang kusina. Inilagay ang kanilang counter at working area sa isang bahagi lamang ng silid upang maging malawak ang espasyo at upang maging komportable ang pagtatrabaho ng mga homeowners.

Makikita sa counter na ito ang kanilang kitchen equipments gayundin ang kanilang mga kabinet na maaari pang paglagyan ng iba pang mga kagamitan.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Ang isang maliit na espasyo naman sa dulo ng silid na ito ang magdadala sa mga homeowners sa dining area. Kung ang ibang homeowners ay pinipiling magkaroon ng dining table na gawa sa bakal o iba pang materyales, mas gusto naman ng pamilya ni Katt ang dining table na ito na mayroong kakaibang disenyo at materyales na gawa sa kahoy.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Bukod pa rito ay ipinakita rin ni Katt ang kanilang comfort room at laundry room.

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Katt Escal | Facebook Group Home Buddies

Ang ilan pa sa mga silid na kaniyang ipinasilip ay ang isang bedroom na mayroong mini office at ang kwarto para sa kanilang mga anak na mayroong bunk bed.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *