“Truly, dreams do come true”, Netizen na Lumaki sa Hirap at Minsang Nanirahan sa Bahay na Nipa, Nakapagpundar ng Malawak na Lupain at Magarbong Tahanan Para sa Pamilya Dahil sa Pagsisikap at Tiyaga

Inspirasyon para sa marami ang naging hatid ng isang netizen, matapos niyang ibahagi sa Facebook community page na Home Buddies ang nakaka-inspire na kuwento ng pagtupad niya ng kanyang pangarap na sariling tahanan para sa kanyang pamilya.

Pagbabahagi ng netizen, lumaki siyang kapos at minsan na ding nanirahan sa bahay na nipa, kaya naman noon pa man, isa na sa kanyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sariling tahanan para sa pam pamilya, ‘yong maayos, maganda at kumportable nilang matitirhan.

Naging posible naman ang pangarap niyang ito, dahil sa kanyang pagsisikap, tiwala at pananampalataya sa Diyos.

“Humbly asking permission to post so as to inspire. I grew up belonging to the less privileged, having experienced living in a nipa hut. I have always dreamt of having a relatively nice house of my own for my family to enjoy. With hard work and God’s provision, my dream came to life.”

Makikita na kalakip ng post niyang ito sa Home Buddies ay ang mga larawan ng mala-paraiso niyang naipundar na property, isang malawak na lupain kung saan makikitang nakatirik ang kanyang noon ay pangarap lamang na sariling tahanan, ngunit ngayon ay natitirhan na nila ng kanyang pamilya.

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Sa mga larawan ay masisilayan ang malawak na lupain na may mga punong kahoy na siyang nagbibigay dito ng lilim at sariwang tanawin. Mapapansin din ang pagiging landscape ng buong area. Agaw atraksyon din dito ang swimming pool na nasa may gilid lang ng tahanan, at ang tila lanai na nasa may pool area lang din.

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Tunay na kamangha-mangha ang swimming pool nito, lalo na kapag gabi, dahil sa pag-iba iba ng kulay ng tubig nito dahil sa lightning effects.
Ang mismong tahanan naman ay hahangaan din ang kagandahang taglay, ito ay mayroong tatlong palapag, kung saan ang ikatlong palapag ay rooftop na mayroong bubong na siyang pwedeng tambayan o si kaya naman ay pagdausan ng simpleng salo-salo o okasyon ng pamilya.

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Pagbabahagi pa ng netizen, tunay na isang paraiso para sa kanyang pamilya ang tahanan nilang ito, lalo pa’t kahit ito’y nasa mountain top, ay madali naman ma-access ang syudad mula rito, dahil halos 10-minuto lamang ang byahe papunta sa pinaka city proper ay nasa 15-minuto naman papunta sa mall.

“Sharing with you our little paradise, sitting on a mountain top, just around 10 minutes to the city proper and 15 minutes to the malls. Apparently, I belong to the #TeamWhite. “

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

Talaga namang kahit anong pangarap ay maaring makamit at maging posible, lalo na kung buong puso nating ginagawa ang ating makakaya para mabigyan ng katuparan anuman ang ating pinapangarap sa buhay. Tunay ding ang pagtitiwala sa Diyos ang isa sa mga mabisang sandata para kahit ano mang mithiin natin sa ating buhay ay ating makamit, magtiwala at maniwala lamang tayo sa kanya.

Photo credits: JTin Coolz | Facebook Group Homebuddies

“Truly, dreams do come true. Neither our past nor our present defines our future. If we do our part in achieving the kind of life that we want to have, God has His mysterious ways of making everything in the universe conspire in our favor. “

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *