Sila ang mga Sikat na Personalidad sa Showbiz na Nahilig sa Pag Momotor Kaya Napabili ng Mamahaling Big Bike

Batid natin na malaki ang kinikita ng mga artista, kaya naman talagang nasusuporatahan nila ang kanilang mga hilig at luho.
Marami sa ating mga kilalang artista, na maliban sa pagpundar ng mga ari-arian na bunga ng kanilang pagsusumikap sa pag-aartista ay kinahiligan din ang pangongolekta ng mga bagay na hilig nila.

Tulad ng ilang mga artista na may collectibles ng mga mamahaling bag, sapatos at ang iba nga ay mga vintage collectibles.
Ilan nga sa mga artistang nangongolekta ng kanilang mga hilig ay sina Michael V. at Vhong Navarro,na ang koleksyon ay mga laruan ng kanilang mga favorite anime shows. Ang aktres naman na si Kiray Celis ay mga spongebob item naman ang kinokolekta, kung saan makikita sa kanyang silid na halos lahat ng mga kagamitan ay spongebob.
Samantala, may ilang mga artsita rin naman na mga mamahaling mga sasakyan tulad ng mga motor o kotse ang kinokolekta. At narito nga’t kikilalanin natin ang ilan sa mga sikat na artista na kinahiligan ang mangolekta ng mga mamahaling motorsiklo.

Jason Abalos

Madalas na kasama ng aktor na si Jason ABalos ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton sa pagtatravel, ngunit ayon sa GMA News ay maliban sa girlfriend nito ay ang mamahaling sasakyang motor din ng aktor ay paborito nitong kasama, sa kanyang mga pamamasyal.
Makikita nga sa larawan ang purmadong motorsiklo ng aktor, kung saan nakasakay ang aktor na tila may lakad dahil sa bitbit niyang backpack.

Ely Buendia

Ang Pinoy rock icon naman na si Ely Buendia ay mayroon ding mamahaling motorsiklo, na lagi niyang sinasakyan kapag sila ay mayroong motorcycle rides ng kanyang grupo.

Richard Gutierrez

Ang aktor ay kilala bilang isa sa mga ‘three legit owners’ ng Ducati Paul Smart dito sa ating bansa. Bukod sa kanyang hilig sa photography, isa rin sa pinagkaka-abalahan ni Richard ngayon ay ang pagsakay sa kanyang motorcycle bikes.

Christopher Roxas

Suportado naman ng asawa niyang si Gladys Reyes ang hilig ng aktor na si Christopher Roxas sa motorsiklo, sa katunayan noon ngang kanilang anibersaryo ay nakatanggap umano ang aktor ng isang mamahaling motorsiklo na Royal Enfield motorbike mula sa kanyang asawa, bilang anniversary gift nito sa kanya.

Aga Muhlach


Isa ring fan ng mga motorbikes ang gwapong aktor na si Aga Muhlach, sa katunayan ay mayroong customized BMW R nineT ang aktor.

Romnick Sarmenta


Tatlong mga mamahaling motorsiklo naman mayroon sa kanyang koleksyon si Romnick Sarmenta, at ito nga ay ang Kawasaki W800, Harley-Davidson Sporters 48 at ang Harley Davidson Street 750.

Alden Richards

Bagong miyembro naman sa big bikes clubs ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richard, kung saan ayon nga sa reports ay nagmamay-ari ito ngayon ng mamahaling sasakyan na Honda X-ADV na ang halaga ay Php805,000.

Coco Martin


Isa rin si Coco Matins a mga sikat na aktor na talaga namang avid fan ng mga motorsiklo. Ang kauna-uanahang motorsiklo ng aktor ay niregalo umano sa kanya ng batikang aktres na si Dawn Zulueta.