Sikat na Vlogger na Si Mimiyuuuh Proud na Ipinasilip ang kanyang Brand-New Modern Filipino Look House na Tinawag niyang Casa Mimiyuuuh 

Halos dalawang taon na rin ang lumipas ng unang ibahagi ng content creator at vlogger na si Mimiyuuuh ang tahanang nabili niya para sa kanyang pamilya, kung saan ng mga panahong ito ay inamin din niya na nais niya pang pagandahin ang naturang tahanan sa tema at disenyo na nais niya.

Makalipas nga ang 2-taon, nito lamang nakaraan ay muling nagbigay ng update si Mimiyuuuh ng kanilang tahanan, kung saan naman kanyang ipinagmalaki at ibinida ang napakaganda ng pagkakaayos at disenyo nito ngayon na brand-new Filipino look.

Ayon kay Mimiyuuuh na-achieve niya ang napakaganda at kamangha-manghang welcoming Pinoy vibe ng kanyang tahanan sa tulong ng interior designer na si Madelaine San Jose. Pagbabahagi ni Madelaine sa panayam noon sa kanya ng Realliving.com.ph, noong una niyang makita ang loob ng naturang tahanan ng vlogger at content creator na si Mimiyuuuh ay kaagad na pumasok sa kanyang ideya ang mga bagay na babaguhin at idadagdag niya dito, tulad na lamang ng proper storage, lightning fixtures at mga furniture’s.

Ibinahagi din ni Madelaine, na inabot din ng halos isang buwan ang pagsasaayos niya ng tahanan ni Mimiyuuuh, dahil na rin sa kinailangan pa nilang antayin na matapos ang mga custom-made furniture na kanilang ipinagawa para sa living at dining area.
Samantala, narito naman ang pasilip sa napakagandang tahanan na ngayon ni Mimiyuuuh ang kanyang Casa Mimiyuuuh na may brand-new Filipino look.

Dining Area

Si Mimiyuuuh at kanyang pamilya ay madalas na mag-imbita ng kanilang mga kaibigan o kapamilya sa tahanan nila, kaya naman napaka-esensyal na sa loob nito ay mayroong sapat na espasyo para sa mga bisita kung saan mafi-feel at home ang mga ito. Ang dining area, ang isa sa mga bahagi sa tahanan ni Mimiyuuuh na talaga namang mayroong napaka-accomodating na vibe.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Para naman magmistulang tropical sanctuary ang atmosphere sa dining area ay naglagay dito ng mga natural textiles at materyals katulad na lamang ng kahoy ay abaca.

Living Area

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Pagdating naman sa bahagi ng living area ay agad na mapapansin ang pagkakaroon nito ng color scheme na neutral, na siyang nagbigay dito ng elgante at napaka-timeless na dating. Makikita din dito ang mga nagagandahang furniture, tulad na lamang ng two-seater sofa at ottomans. Agaw-pansin din sa bahaging ito ang magandang ilaw nito.

Lounge Area

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Sa bahagi namang ito ay sinigurado ng interior designer na si Madelaine na ma-accommodate ni Mimiyuuuh ang kanyang mga kaibigan. Makikita din dito ang ilan sa mga bagay na sumasalamin sa personalidad ni Mimiyuuuh tulad na lamang ng miniature wooden horse rocking chair at ng black panther coffee table.

Mayroon ding mini two-seater sofa sa area na ito, ganun din ang floor cushion para maaring maupo ang mga bisita sa sahig ng kumportable.

Pantry

Photo credits: realliving.com.ph

Mapapamangha naman sa malaking pagbabago sa pantry area sa tahanan na ito ni Mimiyuuuh, dahil kung noon ay tila hindi ito gaanong organized, ngayon ay kitang-kita naman kung gaano kayos ang bawat stocks dito. Bawat stocks ay may kanya-kanyang storage basket, at ito ay maayos na nakalagay sa isang shelves na mayroong lightning effects sa ceiling.

Lanai

Kung noon ang lanai area sa tahanan na ito ni Mimiyuuuh ay tila walang kabuhay-buhay, ngayon ito na ay talagang kagigiliwan ng kahit na sino lalo na ng mga bibisita sa tahanan na ito ng vlogger. Napaka-inviting at accessible naman kasi talaga sa guest ng area na ito, lalo pat naglagay sa bahaging ito ang interior designer ng solid teak wood foldable bar table, bar stools at tray na mayroong stand.

Photo credits: realliving.com.ph

Maari ding magsilbing breakfast nook ang lanai, kapag nais ni Mimiyuuuh at ng kanyang pamilya na ma-enjoy ang outside view sa kanilang pag-aalmusal.

Dirty Kitchen

Tunay na kahanga-hanga din ang dirty kitchen sa tahanan na ito ni Mimiyuuuh. Aminado naman ang interior designer na si Madelaine na ang bahaging ito sa tahanan ng vlogger ang isa sa mga talagang na-challenge siya, lalo pa’t kailangan na siguruhin na ito ay bright, functional at hindi mauulanan.

Photo credits: realliving.com.ph

Naging maliwanag at functional naman talaga ang bahaging ito dahil na rin sa polycarbonate roofing nito, na siyang nag-maximize dito ng natural na Liwanag. Agaw-pansin naman sa bahaging ito ang mga bamboo plants na siyang nagsilbing cover sa wall, para bumagay ito sa tema ng tahanan na Modern Filipino.

Tunay namang napakalaki na ng pagbabago at naging kagandahan sa tahanan na ito ni Mimiyuuuh, at talagang kamangha-mangha ang tema nitong brand-new Filipino look.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *