Panganay at Breadwinner ng Pamilya Nabigyan ng Katuparan ang Pangarap Niyang Tahanan Para sa Kanyang mga Magulang Matapos ang Apat Taon na Sakripisyo at Pakikipagsapalaran Bilang OFW

Hindi biro ang maging panganay na anak at breadwinner ng pamilya. Marami sa atin ang nasa ganitong sitwasyon sa buhay, ngunit patuloy na kumakayod para sa pangarap nating mas maayos na buhay para sa ating pamilya, higit sa ating mga magulang.

Samantala, isang breadwinner na panganay na anak ang naghatid ng inspirasyon sa marami lalo na sa mga kabataan, matapos niyang ibahagi ang kanyang naging pagsisikap at sakripisyo para mabigyan ng maayos, kumportable at magandang tahanan ang kanyang mga magulang.

“Hello mga ka-HB, isa po akong silent reader sa group na ito at isa po kayo sa naging inspirasyon ko para magpursige sa buhay
Isa po akong OFW, Breadwinner/Panganay. 21 years old nakipag-sapalaran na sa ibang bansa. Pinaka-ultimate goal ko ay makabawi sa lahat ng sakripisyo ng aking mga magulang, hindi dahil may ginawa ang magulang para sa atin, kundi dahil deserve nila ng maganda at maayos na buhay. ”

Kuwento ng panganay na anak at breadwinner na si Rhenson Inocentes Santoyo, isa sa mga goal niya sa kanyang buhay ay ang makabawi sa lahat ng sakripisyo ng kanyang mga magulang na ginawa para sa kanya, kaya naman noong siya ay 21-taong gulang na ay nagdesisyon siyang mangibangbansa dahil ito ang nakikita niyang magandang oportunidad para matupad ang pangarap niya para sa kanyang mga magulang.

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Pangarap din umano niya na mapatayuan ng maayos na tahanan ang kanyang pamilya, kaya naman lahat ng lungkot, pagod sakripisyo at luha ay tiniis niya sa abroad. Sa apat na taon ng pagtitiis, masasabi niyang sulit lahat, dahil lahat ng kanyang paghihirap ay napunta sa maganda, at ang pangarap niyang tahanan para sa pamilya ay kanyang natupad na.

“4 years na lungkot, pagod, sakripisyo at luha ang tiniis para maipatayo ko ng maayos na tahanan ang aking pamilya. Sobrang sulit dahil napunta sa maganda lahat ng paghihirap
Now I’m 26 years old at sobrang saya ng Puso ko dahil isa sa pangarap ko para sa magulang/pamilya ko ay nangyari na. Totoo talagang hardwork really paysoff ”

Ngayong siya’y 26-taong gulang niya, ay proud niyang ipinasilip ang katas ng kanyang pagsisikap, pagod, tiyaga at sakripisyo bilang OFW. Ibinahagi niya ang larawan ng napakaganda at kumportableng tahanan na kanyang naipundar para sa kanyang magulang/pamilya.

Ang tahanan na ito na napundar ni Rhenson Inocentes Santoyo, na katas ng kanyang 4-taong pagiging OFW, ay mayroong dalawang palapag, kung saan ito ay mayroong apat na bedrooms, tatlong restrooms at parking area na kasya ang sasakyan at motor.

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Sa unang larawan ay masisilayan ang kanilang Family Hall, at ang pinaka-agaw atraksyon dito ay ang napakagandang altar. Mapapansin din malaking L-shaped fabric sofa, na talaga namang kasya ang kanilanng pamilya, ganun din ang kanilang napakagandang chandelier.

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Makikita naman na ang living area ng tahanan nilang ito ay hindi ganun kalawak, ngunit ito ay tunay na maaliwalas pa rin pagmasdan. Agaw-pansin naman dito ang wall accent na mayroong kakaibang disenyo ang ikinabit na tiles.

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Tunay din na mapapamangha sa kanilang dining area na mayroon ding mini bar. Agad din na mapapansin sa area na ito ang napakagandang chandelier na pareho ang disenyo na makikita sa chandelier sa living area at family hall. Napaka-organize din ng kitchen area.

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Rhenson Inocentes Santoyo | Facebook Group Homebuddies

Bakas naman sa pamilya nila Rhenson ang labis na kasiyahan sa napakaganda na nilang tahanan.

May payo naman si Rhenson para sa mga breadwinner at panganay na anak na tulad niya, “Sa mga tulad ko na breadwinner/panganay. Laban lang sa life, be grateful dahil nagagampanan natin ang responsibilidad na ibinibigay sa atin sa bawat araw. As long as na maluwag sa dibdib mo ang ginagawa mo para sa pamilya mo, sure ako na hindi bulag ang nasa taas para hindi tayo ibless.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *