Mamangha sa Napakagandang Kulay Asul na Tahanang Ito na Mayroong Contemporary Design at Agaw-Pansin na Roof Deck Naipatayo sa Halagang Php2M

Napakaganda naman talaga sa isang tahanan kapag ito ay mayroong roof deck, lalo na kung ito ay nakatirik malapit sa b each o di kaya naman ay mataas na lugar na may matatanaw kang magandang tanawin. Katulad na lamang ng tahanan na ito na nakatirik sa malapit sa beach, kung saan makikita na talaga namang nag-stand out ang disenyo dahil sa pagkakaroon nito ng agaw-pansin sa ganda na roof deck.

Ang tahanan na ito ay gawa sa kongkreto, mga salamin at metal. Batid naman natin na ang mga tahanan na malapit sa dagat, ay kinakailangan ng lagiang pagmi-maintenance para masigurado na magtatagal ito, ngunit sa ganitong klase ng tahanan, ang regular na pagtsi-tsek mainam na din.

Photo credits: besthousedesign

Photo credits: besthousedesign

Samantala, makikita naman sa larawan na ang tahanan na ito ay may kaaya-ayang disenyo, at nagpadagdag pa sa pagkakaroon nito ng ganda ang pinta ng kabuuan nito na kulay asul. Masisilayan din na tila talagang pinag-isipan at pinagplanuhang maigi ang interior nito dahil bawat bahagi nito ay talagang may iba’t-ibang aktibidad o function na hindi mapanghihimasukan ang private space ng lahat.

Photo credits: besthousedesign

Masisilayan din na ang beranda ng tahanan na ito ay naka-glass enclosed at ang itaas na bahagi nito ay ang napakagandang roof deck ng tahanan na talaga namang perfect na tambayan, lalo na kapag gabi na maraming bituin at maliwanag na buwan. Mapapansin naman na ang railings na nakapaikot sa roof deck ay stainless steels.

Photo credits: besthousedesign

Photo credits: besthousedesign

Tunay naman na ang mga ganitong disenyo ng tahanan ay isa sa mga naiibigan ng marami sa atin para maging kanilang tahanan. Kahit kasi may pagka-boxy ang mga ganitong disenyo na contemporary, at napaka-stylish naman nitong tingnan, at pasok nga ang mga ganitong disenyo sa mga modern at nauusong tahanan ngayon.

Photo credits: besthousedesign

Maliban naman sa pagkakaroon ng magandang beranda ng tahanang ito, ay maryroon din itong nakahiwalay na living room sa loob na napaka-elegante ng pagkakaayos at disenyo. Makikita diito ang isang leather couch, na tila napakasarap upuan para mag-relaks habang nag-e-enjoy sa panonood ng pelikula o palabas sa katapat nito na flat-screen tv na naka-mount sa pader.

Photo credits: besthousedesign

Isa pa din sa tunay kaaya-aya sa tahanang ito ay ceiling nito na may napaka-cool na disenyo at ang built-in shelves nito na may napaka-creative na disenyo.

Photo credits: besthousedesign

Kaakit-akit din ang mga bedroom ng tahanan na ito na ang bawat higaan ay may pull-out beds, na siyang nagsisilbing extra beds kapag mayroong bisita o di kaya kapag isang malaking pamilya ang naninirahan dito. Kapag pull-pout beds, ay maari itong itago kapag umaga, at saka lamang hihilahin palabas sa gabi kapag kailangan ng matulog o magpahinga.

Photo credits: besthousedesign

Photo credits: besthousedesign

Photo credits: besthousedesign

Mayroon ding napakalawak na kitchen na may 6-seater dining table sa gitna ang tahanan na ito, at ang comfort room naman nito ay mayroon ding napakagandang disenyo, kung saan may pumapagitan na sliding door sa toilet area at shower area.

Photo credits: besthousedesign

Photo credits: besthousedesign

Ayon naman sa ulat ang contemporary house design na ito na may roof deck ay umabot sa halagang Php2-milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *