Mamangha sa Nakakarelaks at Simpleng Tahanan na Ito na Perfect Dream House sa mga Nangangarap na Manirahan sa Probinsya

Ang manirahan sa probinsya ay tunay na pinapangarap ng marami sa atin, lalo na ng mga taong ang nais ay lugar na payapa at nakakarelaks, sa panahon na sila ay retirado na, kaya naman talagang ang iba sa atin ay pinipili na mag-invest ng lupa o tahanan sa probinsya.

Samantala, kung isa ka naman sa mga naghahanap ng ideya ng isang perpektong tahanan na maari mong ipatayo sa probinsya, marahil ay makakatulong sayo ang isang simple ngunit nakakarelaks at magandang tahanan na ibibida natin ngayon na tunay namang masasabi nating perfect dream home sa probinsya.

Makikita sa larawan na ang tahanan na ito ay simple lamang ngunit may pagka-moderno ang disenyo at istilo. Ang tahanan na ito ay may bahaging kongkreto at mayroon naman na tila ang materyales ay matitibay na kahoy ang ginamit.

 

Mapapansin din na ang bubong nito ay flat lamang at wala din itong pintura sa labas sa kabila nito ay naging napakaganda pa rin nito at nagkaroon ng modernong dating dahil sa ang pintuan at mga bintana nito ay mga naka-sliding glass.

Ang tahanan na ito ay talaga namang perpekto sa probinsya, lalo na’t marami sa bahagi nito ay tila open area na maaring tambayan lalo na kung ang nais mo ay makalanghap ng sariwang hangin at makatanaw ng magandang tanawin.

Mapapansin na may bahagi sa tahanan na ito na kinabitan ng native na duyan na maaring pahingahan at tambayan kapag ang nais lamang ay ang ma-enjoy ang tanawin sa labas ng tahanan at ang sariwang hangin. Mayroon ding makikita na parang papag sa may bahagi kung saan nakakabit ang native duyan.

Agaw-pansin din ang tila outside dining sa tahanang ito, kung saan maaring ma-enjoy ng mag-anak ang magandang tanawin habang ine-enjoy din ang masasarap na pagkain na kanilang pagsasaluhan. Napakaganda ding pagmasdan ng tahanan na ito sa gabi, dahil sa mga lightning effects sa labas na bahagi nito.

Kung titignan naman ang loob ng tahanan na ito, ay makikita ang kasimplehan nito at pagiging studio type lamang, dahil sa ito ay mayroong lamang na maliit na living area kung saann naririto na rin ang office space, samantala sa kabilang gilid nito ay matatanaw na ang higaan.

Mas naging napakaganda naman ng tahanan na ito dahil sa mga makukulay na bulaklak at luntiang halaman na nakapaligid dito, na nakapagbigay lalo dito ng kagandahan at nakakarelaks na ambiance. Ang kagandahan pa sa tahanan na ito ay ang napakagandang tanawin na nakapaligid dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *