Mamangha sa Budget-Friendly Tiny House na Ito na Naitayo sa Halagang Php80,000

Karamihan sa mga homeowners ay talagang gumagastos ng malaki upang masiguro lamang na matibay at maganda ang kalidad ng mga materyales na gagamitin upang maipatayo lamang ang kanilang bahay.

Bukod dito, binibigyang-pansin din nila ang magagarbo at modernong mga disenyo upang lalo pang gumanda ang kanilang tahanan. Sa kabila nito, talagang kahanga-hanga pa rin ang ibang homeowners na nakapagpapatayo rin ng matibay at magandang bahay na gamit lamang ang limitadong budget. Isang halimbawa na nga rito ang munting tahanan na ito na naitayo sa halagang PhP80,000 lamang.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Kung ang ibang mga bahay ay gawa sa salamin o kaya naman ay sa purong konkretong materyales, ang bahay na ito ay naitayo gamit ang kombinasyon ng iba’t ibang materyales gaya na lamang ng semento at kahoy.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Gumamit din sila ng yero para sa kanilang bubong. Ang ibabang bahagi ng bahay ay gawa sa semento kaya naman bagamat ang itaas na bahagi ng bahay ay gawa sa kahoy, siguradong matibay pa rin ang bahay at mayroon itong sapat na suporta.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Bilang isang tiny house, may kaliitan ang sukat ng bahay ngunit nasiguro naman ng mga homeowners na mayroong sapat na espasyo para sa bawat silid nito. Pagpasok pa lamang sa bahay ay makikita ang living room na mayroong sofa na tamang-tama para sa isang maliit na mag-anak.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Sa kabilang bahagi naman ng bahay ay ang simpleng dining area na mayroon lamang na dining table at espasyo para sa kanilang mga kagamitan.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Makikita rin mula rito ang kanilang sariling comfort room at kung ang ibang homeowners na mayroong parehong disenyo ng bahay ay mas pinipili ang outdoor o dirty kitchen, ang mga may-ari naman ng bahay na ito ay nais na magkaroon ng mas pribadong kusina sa loob ng kanilang bahay.

Mayroon itong sapat na espasyo at counter space para sa kanilang mga kitchen equipments. Sigurado din na mas magiging komportable ang kanilang pagtatrabaho dito umulan man o umaraw. Bukod sa mga ito, nakapaglaan din sila ng espasyo para sa kwarto ng kanilang pamilya. Upang maging mas pribado ang mga ito ay gumamit sila ng makakapal na plywood bilang partisyon.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Dahil sa mga ibinahaging ito ng homeowner, talagang nakakabilib ang kanilang diskarte at pagiging malikhain sa paggawa ng bahay bagamat limitado lamang ang kanilang budget. Sigurado din na marami pa silang maaaring maidagdag o maayos sa bahay na ito sa hinaharap.

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Photo credits: Ma Blaziel Nuñez Abaoag / PERFECT HOUSE DESIGNS PH

Dahil dito, masasabi na talagang marami ang ideyang makukuha sa bahay na ito lalo na para sa mga indibidwal o maliit na pamilyang nagsisimula pa lamang na magplano o magpatayo ng kanilang sariling bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *