Magkasintahang Ria Atayde at Zanjoe Marudo Nagpakilig ng Husto sa Kanilang Mga Fans, Dahil sa kanilang mga Sweet na Sweet na Larawan Habang Nagbabakasyon sa Italy

Noong nakaraang ika-12 ng Marso taong 202 ay nagkaroon ng show ang grupo nina Zanjo Marudo, Joshua Garia, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa The Space Odeon, Milan, Italy para sa G Kapamilya Tour.

Sa pagkakataong ito, ay hindi pinalampas ng magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang makapamasyal sa bansang Italy, kung saan sila ay nakasingit ng side trip.

Makikita sa Instagram ng aktor ang pagbabahagi niya ng ilang mga larawan ng naging pamamasyal nila ng nobya niyang si Ria sa ilang mga magagandang lugar sa Italy. Isa nga sa mga proud niyang ibinahagi ay ang larawan nilang magkasintahan habang sila ay namamasyal sa isang street sa Italy na ang pangalan ay “Marudo.”

Kasunod nito ay ipinasilip din ng aktor ang naging foodtrip nilang magkasintahan, ganun din ang mga sweet na sweet nilang larawan habang nagpapa-picture sa ilang mga kababayang Pinoy na nakakita sa kanila sa nasabing bansa.

Nagbahagi din si Zanjoe ng video lunch date nila ni Ria, kung saan makikita na silang dalawa lamang ang magkasama habang ine-enjoy ang kanilang masarap na dinner.

Naging mahaba naman ang quality time ng magkasintahan, dahil noong ika-18 ng Marso ay nagkaroon pa ng isang G Kapamilya sa Abu Dhabi, U.A.E.
Samantala, marami naman sa mga netizens at fans ng magkasintahan ang talagang kinilig at bumoto sa relasyon nila. Ayon pa sa ibang mga netizens, nagustuhan nila ang pagiging simple ni Ria, dahil sa lumalabas ito ng walang anumang makeup at bakas pa rin ang angkin nitong kagandahan.

Matatandaan na noong mga unang buwan ng taong 2022 ng unang mapansin ng publiko ang naging madalas na pagsama ni Zanjoe sa grupo nina Ria, Kathryn, Daniel at Joshua. Buwan naman ng Oktubre ng nasabing taon ng mabuking na sa madla na nagdi-date na sina Ria at Zanjoe, matapos nga itong ibuking ng ina ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Kamakailan lamang naman ng aminin ni Zanjoe sa publiko, sa isang vlog interview sa kanya na sila ni Ria ay pormal ng magkasintahan at magmula nga noon ay mas naging bukas na sila sa pagpapakita ng mga couple photos nila.