Mag-asawang Mayroong Tatlong Anak at 5-Taong Nangupahan, Nakapagpatayo ng 15sqm na Tahanan sa Isang Bahagi ng Garahe-an Katas ng Kanilang Ipon

Ang pangungupahan ng tahanan ang isa sa madalas na ginagawa ng mga bagong mag-asawa o ng magpartner na nagsisimula bumuo ng pamilya, lalo na sa mas nais na bumukod at maging independent sa kanilang pamumuhay.

Batid naman natin na ang mangupahan ay hindi madali, lalo na’t buwan-buwan ay isa sa mga isipin ang buwanang hulog sa inuupahang tahanan, kaya naman tunay na mas mainam pa din ang magkaroon ng sariling tahanan, ito man ay simple o maliit, basta’t matatawag ninyong sarili ng iyong asawa o ng binuo mong pamilya.

Sa Facebook community page na Home Buddies, ay isang virtual kapitbahay ang nagbahagi ng kanyang nakaka-inspire na kuwento, kung saan tulad ng ilan sa atin, sila ng kanyang asawa at mga anak ay nag-umpisa munang mangupahan bago sila nagkaroon ng sarili nilang tahanan at maliit man ang naipundar nilang tahanan ipinagmamalaki naman nila ito dahil sa matatawag nila itong sarili nila.

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

“hi guys I am sharing with you our 15sqm Humble Lil Homie Just an inspiration to those na nagsisimula pa lamang at lahat naman nangangarap na magkaroon ng something to call your own”, ang naging unang saad ng virtual kapitbahay na si Cehl Dalmacio-Solita sa kanyang naging post sa Home Buddies, kung saan nakalakip ang ilang mga larawan ng kanilang naipundar na 15sqm na tahanan.

Dagdag pa niya, “Back then were just renting for almost 5 years then my hubby and I decided to build at least a part of my moms garage instead of us renting of course a waste of money din and with my mommy’s consent din siyempre. Pero sa mga nagsisimula lang as couple struggle talaga lalo na pag wala kayong inaasahan.”

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Ayon kay Cehl, tulad ng ibang mga couple, sila ng kanyang mister ay nagsimula din muna sa pangungupahan bago sila nagkaroon ng kanilang sariling tahanan. Saad niya, ibinahagi niya ang kanilang pundar na simpleng tahanan para makapagbigay inspirasyon sa ibang mga couple, lalo na sa mga nagsisimula pa lamang.

Saad pa niya, 5-taon silang nangupahan ng kanyang asawa, hanggang sa magdesisyon silang magpatayo na lamang ng simpleng tahanan, kung saan ito ay kanilang itinayo sa isang bahagi ng garahe ng kanyang ina, at may sukat lamang ang tahanan nilang ito ng 15sqm.

Makikita sa ibinahaging larawan ni Cehl, na ang tahanan nilang ito ay mayroong dalawang palapag at gawang kongkreto. Mapapansin na ito ay wala pang pintura ang labas, at dahil sa hindi ito kalakihang tahanan ay kapansin-pansin ang liit ng espasyo ng bawat bahagi nito, tulad ng sala, kusina at dining.

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Sa kabila nito, ay hahangaan naman ang kanilang tahanan, dahil kahit na ito ay hindi kalakihan ito naman ay malinis, maayos at may mga dekorasyon na nagbigay dito ng buhay, tulad na lamang ng mga sticker wall décor na nakadikit sa wall nito.

Dahil sa masy sukat lamang na 15sqm ang tahanan na ito, sa unang palapag ay mayroon lamang itong sala, kusina, hapagkainan at banyo, samantala ang mga silid-tulugan naman ay nasa ikalawang palapag.

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Cehl Dalmacio-Solita | Facebook Group Homebuddies

Samantala, kahit naman hindi kalakihan ang tahanan na ito na naipundar nina Cehl, ayon naman sa kanya ay kasya sila ditong mag-asawa kasama ang kanilang tatlong anak. Dagdag pa niya, ang katuparan na ito ng pangarap nila na magkaroon ng sariling tahanan, ay tunay na kanyang ipinagpapasalamat sa kanyang mister na siyang naging responsable at masipag dahil halos ito ang nagfinishing ng tahanan nila.

Pagbabahagi pa niya, ipon nilang mag-asawa ang ipinatayo nila ng kanilang munting tahanan, at ngayong ito ay nakatayo na at natitirhan na nilang pamilya, ang pagkakaroon naman ng mga kagamitan ang uunti-untiin nilang pag-ipunan.

Payo naman ni Cehl sa lahat ng patuloy na nangangarap na magkaroon ng kanilang sariling tahanan, “Kaya guys wag sumuko, mangarap lang God will provide ika nga.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *