Mag-asawa Ipinarenovate ang Kanilang Lumang Bahay na ngayon ay may Disenyo ng Mediterranean-Inspired na Kanilang Ipinagawaa para Maging Retirement House ng Kanilang mga Magulang

Mahalaga na pinaghahandaan natin ang ating pagreretiro, at ilan sa mga ginagawa ng marami sa atin bilang paghahanda sa pagreretiro ay ang pag-iipon hindi lamang ng salapi kundi maging ng mga property at investment na maari nating mapakinabangan sa panahon na tayo ay retirado na.

Samantala, pagdating sa mga property na ipinupundar ng marami sa atin para sa kanilang pagreretiro ay ang pagpapatayo ng kanilang retirement home sa isang payapa at nakakarelaks na lugar. Marami na tayong nasilip na nag-gagandahang retirement home at ang iba dito ay nakapagbigay sa ilan sa atin ng inspirasyon at ideya na maari nating magawa sa ating pangarap na tahanan.

Pagdating nga sa usapang retirement home, isa na namang nakakarelaks at napakagandang retirement home ang ibinida ng OG sa kanilang YouTube channel. Ang retirement home na ito ay hindi lamang hahangaan sa panlabas nitong disenyo na mediterranean-inspired kundi maging ang nakamamangha din nitong ganda sa loob na may tema namang modern aesthetic base na rin sa homeowner nito.

Sa YouTube channel ng OG ay mapapanood ang pagbibigay tour ng homeowner nito, ang mag-asawang Patrick Cuison at Elle Cuison. Ayon kay Patrick ang tahanan nilang ito ay siyang magiging retirement home ng kanilang mga magulang, at ito ay matatapuan sa Antipolo.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Unang ipinakita ng mag-asawa ang kamangha-manghang exterior ng tahanan nilang ito, kung saan agaw-pansin dito ang isang malaking bintana na ang palibot ay mga bato. Kasunod nito ay ipinakita nila ang Lanai area na may dalawang set ng lamesa at upuan na maaring tambayan ng pamilya o di kaya naman kapag may bisita.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ibinahagi naman ni Patrick na nabili nila ang tahanan na ito na isang basic home lamang, at para ma-achieve nila ang kanilang pangarap na retirement home para sa kanilang mga magulang ay kumuha sila ng designer. Saad pa niya, ang tahanan na ito ay mayroong sukat ang floor area na 135sqm at 200sqm naman ang lot area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagpasok naman sa loob ng tahanan, ay agad na ipinakita ni Elle ang kanilang foyer, kung saan makikita sa bahaging ito ang isang tama lang sa laki na shoe cabinet, isang rattan basket kung saan nakalagay ang mga pambahay nilang tsinelas at ang narrow tree na ayon sa kanya ay ito ang nagsisilbi nilang upuan kapag maghuhubad ng sapatos.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ipinakita din ni Elle ang isang malaking painting sa may bahaging foyer, na ayon sa kanya ay ang kanilang kuya ang mismong may likha. Sa may kabilang gilid naman ng foyer ay ang lounge area, at dito naman makikita ang dalawang magarang upuan na napapagitnaan ng maliit round table at isang magarang lamp. Mapapansin naman sa bahaging ito ang natural na liwanag na nagmumula sa malaki nitong French window.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Matapos nito ay ipinasilip naman ni Patrick ang dining area na may simpleng ayos lamang ngunit magarang 8-seater dining set. Makikita din ang telebisyon sa bahaging ito, at ang access door naa patungo naman sa lanai area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Mapapa-wow din sa ganda ng kitchen area ng tahanan na ito, na may magagarang aplliances tulad ng top induction, rangehood, microwave at refrigerator, talaga ding kakikitaan ng pagka-organize at kalinisan ang kitchen area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ipinasilip naman ni Patrick ang powder room sa unang palapag ng tahanan nilang ito, at talagang mapapa-wow ka din sa magagarang features sa loob nito. Agaw-pansin sa powder room ang accent nitong mitsuka wall tiles.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Paakyat naman sa ikalawang palapag ay ang hagdanan na mayroong black railings at ang nagbibigay liwanag dito ang ang napakagandang circular chandelier. Pagdating sa ikalawang palapag ay agad na sasalubong ang kanilang tama lang sa laki na living area, kung saan makikita ang magarang sofa, telebisyon at maging ang ceiling fan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Hindi rin naman nagpahuli sa kagandahan ang bawat silid ng tahanan na ito, na lahat ay fully air-conditioned. Ipinakita din ng mag-asawa ang kanilang veranda sa ikalawang palapag, na siyang nagsisilbing outdoor area. Makikita dito ang isang set ng mga upuan, kung saan nagsiislbi din itong bonding area ng pamilya lalo na kapag gabi.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Tunay namang maraming ideya ang mapupulot sa napakagandang retirement home na ito na naipundar ng mag-asawa para sa kanilang mga magulang. Inspirasyon din ang naging hatid nito sa marami sa atin na nangangarap din magkaroon ng sariling retirement home pagdating ng araw.

Inside This Mediterranean-Inspired Retirement Home with Modern Aesthetic | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *