“Katas ng Palay, Mais at Mangga” Isang Netizen Proud na Ipinasilip ang Kanilang Naipatayong 2-Storey House na Kanilang Pinag-ipunan Mula sa Katas ng Kinita nila sa Kanilang mga Naibebentang Pananim

Isa sa pangunahing pangangailangan ng isang pamilya ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan, na siyang magsisilbing kanlungan nila. Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay tunay na isa sa mga pinapangarap ng marami sa atin, ngunit batid naman natin na sa panahon ngayon na halos lahat ng bilihin ay tumaas at napakamahal na, ay hindi nga biro ang magpatayo ng tahanan, lalo na kung ang pangarap mo ay ‘yong kongkreto at talagang mayroog magandang disenyong bahay.

Kahit hindi biro ang magpagawa ng isang magandang tahanan, ay tunay namang ito ay posible mong makamtan lalo na kung patuloy ang ginagawa mong pagsisikap para lamang mabigyan ng katuparan ang pangarap mong tahanan para sa iyong pamilya.

Samantala, sa Facebook community page na Home Buddies, isang netizens ang proud na ibinahagi ang napakagandang 2-story house na naipundar nila, kalakip nito ay ang puno ng inspirasyon na kuwento niya sa kung papaano nila nabigyan ng katuparan ang pangarap nilang tahanan na ito.

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Katas ng Palay, Mais at Mangga”, ito ang unang pagbabahagi ng netizens na si Joanne Samonte, base sa kanyang Facebook name.

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Ayon kay Joanne ang napakgandang tahanan na mayroong dalawang palapag at modernong disenyo na makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi sa naturang Facebook page, ay ang naipundar nilang tahanan na katas ng kanilang pagka-cropping.

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Pagbabahagi pa niya hindi naging madali ang pagbuo ng tahanan nilang ito, lalo na’t paunti-unti lamang ang naging pagpapatrabaho nila, dahil nagkakaroon lamang sila ng budget para rito tuwing tag-ani ng kanilang mga pananim. Saad pa niya, inabot din ng 2-taon bago nila tuluyang nabuo ang tahanan nilang ito.

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Pagbabahagi pa ni Joanne, kahit 2-taon ang inabot ng pagbuo nila ng kanilang tahanan na ito ay napaka-worth it naman ng kanilang naging paghihirap at pag-aantay , dahil tunay na napakaganda ng kanilang 2-story home.

Inabot ng 2-years ang pagbuo dahil every cropping lang nag kakabudget. Pero sobrang worth it mga kapitbahay. Sulit ang Literal na Hirap”, saad ni Joanne.

Sa Facebook post din ni Joanne ay ipinaabot niya ang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanila para mabuo ang tahanan nilang ito, kabilang na dito ang kanilang mga magulang at siyempre hindi nila nakaligtaan na magpasalamat sa Poong Maykapal na siyang pinang-galingan ng lahat ng biyaya na natatanggap nila sa kanilang buhay.

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Masaya din niyang ibinahagi na sa napakagandang tahanan nilang ito niya ipagdiriwang ang kanyang kaarawan.

Thank you Lord, sa parents namin pati sa lahat ng taong tumulong mabuo ang tahanan na ito. Lipat na kami bukas, birthday ko eh.”

Sa huling bahagi naman ng post ni Joanne ay ibinahagi niya na ang sunod niyang ‘goal’ ay ang mabili ang mga kagamitan nasa cart na niya, at ang mga ito ay ang mga gamit na nabudol siya sa Home Buddies. Aniya, iche-check out na niya ang mga add to cart niya sa susunod na cropping nila.

Photo credits: Joanne / Home Buddies Facebook Group

Dagdag pa ni Joanne, nawa’y may mga ma-inspire siya sa post niyang ito sa kung paano nila na-achieve ang pangarap nilang tahanan na ito.

Next cropping, check out ko na mga na add to cart ko, lakas nio mang budol e! sana maka inspire, at maging interesado kayo sa sector ng agrikultura Sobrang proud farmer kaming mag asawa #millennialfarmer”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *