“Katas ng LDR namin ng asawa ko” Misis Naging Motibasyon ang Pagka-Miss sa Asawa Para Ipa-Renovate at Pagandahin ang Kanilang Munting Tahanan

Marami sa mga mag-asawa ang kasalukuyang nasa LDR relationship, at isa sa mga pangunahing dahilan nito ay dahil sa tawag ng trabaho, kung saan ang iba ay kinakailangan na magtrabaho sa malayong lugar o bansa para lamang masuportahan at maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Hindi naman maiwasan ang pagka-miss sa mga ganitong sitwasyon, kaya talagang mas mainam na may napag-aaksayahan ka ng oras sa mga panahon na nami-miss mo ang iyong mister o misis. Halimbawa na lamang nito ay ang isang misis, na kamakailan lamang ay ibinahagi ang naging resulta ng pagpapa-ayos at renovate niya ng kanilang tahanan, kung saan ang naging motibasyon niya para gawin ito ay ang pagka-miss niya sa kanyang mister na malayo sa kanila dahil sa trabaho nito.

Sa Home Buddies ay ibinahagi ng isang misis ang ‘Katas ng LDR’ nila ng kanyang mister, at ito nga ay ang kanilang munting tahanan na ngayon ay mas maganda at maayos na, dahil sa naging pagpapa-renovate niya nito. Ayon sa kanya naging motibasyon niya sa pagpapaganda ng kanilang munting tahanan ang kalungkutan na kanyang nararamdaman sa pagkakalayo nila ng kanyang mister, dahil sa LDR sila gawa ng trabaho nito.

“Hi mga ka Home Buddies, Sana maapproved I want to share with you all our 80% HUMBLE HOME ang katas ng LDR namin ng asawa ko, mag 3 months palang kaming LDR sobrang lungkot and yung lungkot na yun nag nag motivate sakin na idaan nalang sa pag renovate ng luma nilang bahay”, saad niya.

Ibinahagi din niya na mula sa paghahanap ng manggagawa hanggang sa pagbili ng mga kakailanganing materyales at kagamitan para sa pagpapaayos ng kanilang munting tahanan ay siya ang gumawa. Sa loob lamang nga umano ng isang buwan, ay tagumpay niyang nabuo ang napakaganda nilang tahanan, na kakikitaan ng magandang pagkakaayos ng kagamitan at may tema din ito na black, white, wood.

“Sobrang proud ako sa sarili ko na kinaya ko mag isa from hanap ng tao na gagawa, bili ng materyales kung saan saan hard ware then may inaasikaso pa ako isang anak na nagaaral.

And then finally in 1 month lang nabuo ko to, sobrang thankful ako sa page na to sobrang helpful pagkuha ng ibat ibang klaseng ideas na napagsama ko then eto na.

We focused on modern black & white with touch of wood gusto ng asawa ko black and white ako naman white and wood – why not combined it?

We wanted to maintain a simple modern look yet minimalist. ”

Makikita naman sa mga ibinahagi niyang larawan ang larawan ng before at after ng kanilang munting tahanan. Sa before ay masisilayan ang pagiging luma ng kanilang tahanang ito, magmula sa pinta ng mga dingding sa labas at loob, hanggang sa lenulium na ginamit sa flooring nito ay kumukulubot na din sa kalumaan, samantala sa after naman ay agaw-pansin agad ang naging malaking pagbabago sa exterior nito hanggang interior dahil sa pagkakaroon na nito ng magandang pinta sa dingding at venyl tiles sa flooring.

Before

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Mapapansin din ang pagkakaroon ng modernong mga kagamitan at ang magandang pagkaka-ayos nito. Kahit nga maliit lamang ang tahanan nilang ito, ay nagawa naman niyang i-maximize ang mga espasyo, at nagmistula pa itong malawak dahil sa naging renobasyon na ginawa dito.

After

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Kung noon ay isa lamang ngang tipikal ang tahanan na ito ng pamilya, ngayon ay isa na itong minimalist home na may pagka modern simple look, na kumportable nilang matitirhan.

“Our home maybe small, but it’s not how big the house is, it’s how HAPPY the HOME is. ”, aniya pa.

Photo credits: Juniese Bawag – Torres | Home Buddies

Tunay ngang ang isang tahanan ay maipagmamalaki natin kahit ito’y hindi malaki, basta’t ito ay maayos, malinis, at ang pinaka-importante ay ang masaya ang pamilyang naninirahan dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *