Jessy Mendiola Ipinasyal ang Kanyang mga Taga Subaybay sa Napakalawak at Nakakarelax na Farm ni Vilma Santos sa Lipa Batangas

Isa na namang panibagong boonding at masayang adventure ang ibinahagi ng aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel, at ito ay ang naging pamamasyal nila ng asawa niyang si Luiz Manzano sa napakalawak at nakakarelaks na farm sa Lipa na pagmamay-ari ng kanilang Momskie Vilma Santos at Tito Ralph Recto.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Mapapanood sa naturang vlog, ang simula ng kanilang masayang adeventure na ito, magmula sa mga oras na sila’y nasa sasakyan at nagbabbyahe, hanggang sa kanila ng marating ang patutunguhan nilang farm sa Lipa. Makikita na kasama nina Jessy at Kuiz sa sasaknyan ang kanilang Momskie Vilma at staff nito.

Samantala, pagdating sa farm, ay agad na sumalubong sa kanila ang magandang kapaligiran nito at ang ilan sa mga alagang hayop na naririto, tulad na lamang ng love birds na nasa isang Parrot na nasa maayos na kulungan, at ang mga Koi Fish na nasa isang pond na may mala-waterfalls na disenyo.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Ipinakita din ng aktres ang isang malawak na kukungan ng baka sa naturang farm at ang mga naririto na nagagandahan at imported na mga alagang baka ng kanyang Mimskie Vilma at Tito Ralph. Kasunod nito, ay tinungo naman ni Jessy at Luis ang kulungan ng mga peacock.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Hindi naman naiwasan ni Jessy na purihin ang mga nagagandahang peacock na kanyang nakita, lalo pa’t ang ilan sa mga ito ay talaga namang nakakamangha ang taglay na kulay ng feathers. Talagang napa-ibig din ang aktres sa napakaramin love birds na kanyang nakita sa isa pang cage ng mga ibon sa nasabing farm.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Ibinahagi naman ng aktres ang isang lugar sa farm na ito na isa sa mga pinagpilian nilang venue para sa kanilang kasal ng mister niyang si Luis. Tunay namang napakaganda ng nasabing lugar, dahil ito’y tila isang outdoor chapel.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Makikita din sa kabuuan ng video na ito ng naging pamamasayal nina Jessy at Lui s sa naturang farm kung gaano kaganda ang property na ito ng kanilang Momskie at Tito Ralph, dahil sa ito’y napapalibutan ng maraming mga naglalakihang puno at luntiang mga halaman.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Talaga namang napakalawak ng farm na ito nina Vilma Santos at Ralph Recto, kaya naman ayon kay Jessy ay na-enjoy nila ng husto ni Howhow niya (Luis Manzano) ang naging pamamasyal nila dito.

A DAY AT THE LIPA FARM OF TITO RALPH AND MOMSKI | Jessy Mendiola

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *