Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Ipinasilip ang Kanilang Mountain Hideaway Container Inspired House na Matatagpuan sa Napakaganda at Napakalamig na Lugar ng Tanay, Rizal

Halos mag-iisang taon na din magmula ng huling magbahagi ng video vlog ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang YouTube channel, kaya naman talagang marami sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay at na-miss sila at excited sa muling pagbabahagi ng mag-asawa ng panibagong video vlog.

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay nagbahagi na ng kanilang latest video vlog ang celebrity couple, kung saan sa vlog nilang ito ay ibinahagi nila ang kanilang dream project na ayon mismo sa mag-asawa ay ‘finally tapos na’. Ang dream project nga na ito nina Jennylyn at Dennis, ay ang kanilang Mountain Hideaway Home nila na matatagpuan sa Rizal area.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Pagbabahagi ng celebrity couple, ang Mountain Hideaway nilang ito ay container, dahil inakala nila mas madali itong mabubuo kapag ito ang kanilang ginawa. Saad pa nila Jennylyn at Dennis, madalas silang manood ng mga container home at tiny home, at dito nila nakuha ang ideya na gawin ito sa kanilang dream project.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Inamin naman ng dalawa, na ang naging mahirap sa pagbuo ng dream project nilang ito ay ang pag-travel ng container patungo sa lugar kung saan nila ipinatayo ang kanilang Mountain Hideaway Home.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Ang dream project na ito ni Jennylyn at Dennis, ay talaga namang hahangaan sa ganda, at agad na mapapansin ang pagiging malawak ng property nilang ito. Ayon din sa aktres, pinaghiwa-hiwalay nila ang main house, guest house at staff house na lahat ay puro container house, dahil sa mas nakita nila na mas maganda itong pagmasdan kapag nakakalat ito sa kanilang property.

Unang ipisilip ng celebrity couple ang kanilang guest house, kung saan agad na mapapansin ang main door nito na sliding glass.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Makikita naman na sa labas ng guest house ay mayroong tila coffee table na maari na ding gawing dining, at ayon sa aktres sadya na ito talaga ang pinaka-dining ng kanilang guest house, dahil walang dining area sa loob nito.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Ipinakita din niya ang slidining window na nasa malapit ng nasabing coffee table, kung saan ayon sa kanya pagbubuksan ito ay kitchen na, kaya naman kung may nagluluto ay maari i-abot lamang sa bintana ang pagkain at doon na nga sa may outside table ihahain.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Pagpasok naman sa mismong loob ng guest house, ay kaagad na makiita ang isang bunkbed, loveseat at mini table. Ipinakita din nila ang mini kitchen ng guest house nilang ito nahalos kumpleto din sa mga kitchen appliances tulad ng mini ref, despenser, coffee maker, lutuan at iba pa. Ipinakita din nila ang comfort room ng guest house.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Ibinida din nila ang deck ng kanilang guest house, na ang access ay outdoor stair, kung saan mula sa deck ay matatanaw ng 360-degree ang tanawin na nakapaligid sa kanila.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Matapos ipasilip ang guest house, ay sinunod naman ng mag-asawa ang greenhouse sa property nilang ito, na ayon kay Jennylyn ay ang kanyang ama ang gumawa. Sa greenhouse ay makikita ang iba’t ibang klase ng tanim nilang lettuce.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Kasunod nito ay ang main house naman ang ipinakita ang mag-asawa, kung saan una nilang ibinida ang kanilang living area na ayon kay Jen ay compact lamang dahil sa pagkaka-ayos nito. Ibinahagi din ng mag-asawa na mayroon silang common cr dito, na connected naman sa kanilang guest room.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Ipinakita din nila ang kanilang napakagandang guest room sa main house, kung saan makikita dito ang dalawang bunk beds at isang double beds na mayroon pang pull-outs.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Ibinida din ni Jennylyn ang kanilang napakalinis at napakagarang dining area na mayroong 8-seaters table, mapapansin din ang kanilang mini bar.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Tunay din na nakakabilib ang kitchen area sa main house na ito ng mag-asawa, hindi ito kalakihan ngunit kabibiliban ang maayos na pagkaka-organized ng mga kagamitan.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Tinungo naman ng mag-asawa ang ikalawang palapag ng kanilang main house, kung saan una nilang ipinakita ang kanilang nakaka-wow sa gandang masters bedroom, ganun din ang masters toilet at bath nito. Ipninakita din nila ang kanilang mini walk-in closet sa kanilang masters-bedroom.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Sa master’s bedroom naman ng mag-asawa ay mayroong sliding door na siyang acess patungo sa kanilang balkonahe, kung saan matatanaw ang magandang tanawin na nakapaligid sa kanila. Sa balkonahe din nilang ito ay mayroong silang mga outdoor furnitures na pwede nilang tambayan habang ine-enjoy ang tanawin.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Ipinakita din ng celebrity couple ang kanya-kayang silid ng kanilang mga anak na sina Jazz at Calex, na parehong may sariling comfort room sa kanilang mga silid.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Sa tapat naman ng master’s bedroom nina Jen at Dennis ay ang silid ng anak nilang si Dylan, kung saan ito ay mayroong sariling comfort room at play area.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Huli namang ipinasilip nine Jennylyn at Dennis ang kanilang outdoor dining, kung saan may table na pwedeng maglaro ng mga laro tulad ng air hockey, billiards at table tennis. Ipinakita din nila ang isa pang bahagi na magsisilbi nilang laundry area.

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Photo credits: Jennylyn Mercado | YouTube Channel

Tunay namang napakaganda ng property na ito ng mag-asawa, at marami na naman sa atin ang nakakuha ng ideya para sa pangarap nating tahanan.

Mountain Hideaway Tour | Episode 15 | After All : Jennylyn & Dennis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *