Isang Single Mom, Proud Ipinasilip ang kanyang Naipatayong Simpleng Bahay Kubo-Inspired Bahay Bakasyunan sa kanilang Probinsya

Marami na ngayon ang nagbabahagi na kani-kanilang vacation house sa probinsya. Ang ilan sa mga ito ay mayroong simple ngunit modernong arkitektura ngunit mayroon pa ring iilang homeowners na nais magkaroon ng mas simpleng vacation house gaya na lamang ng netizen na ito.
Kamakailan ay ibinahagi ng isang netizen na si Janice Legisniana sa pribadong Facebook group na Home Buddies ang kaniyang bahay kubo sa probinsya.

Ipinagmamalaking ibinahagi nga ni Janice ang bahay kubo na ito na magsisilbing vacation house ng kaniyang pamilya sa tuwing bibisita sila sa kanilang probinsya. Ayon pa sa Facebook post ni Janice ay talagang masaya siya na natupad na niya ang pangarap na makapagpatayo ng ganitong bahay.

Itinuturing din ni Janice ang bahay na ito bilang isang simple at munting tahanan ngunit repleksyon naman ng kaniyang katibayan laban sa hamon ng kaniyang buhay bilang isang single mom. Simple man ang bahay kubo na ito ay siguradong magiging komportable naman ang pamilya ni Janice habang sila ay nagbabakasyon sa kanilang probinsya. Isang magandang paraan din ang pagtira sa bahay kubo na ito upang maranasan ng kaniyang mga anak ang simple at tahimik na buhay sa probinsya.

Kaiba sa mga bahay kubo na mayroon lamang na iisang palapag ay may kalakihan ang bahay na ito at mayroon pang dalawang palapag. Sa unang palapag ng bahay ay ang kanilang mga common areas tulad na lamang ng living room at dining room.

Base rin sa litratong ibinahagi ni Janice ay makikita ang isang maliit na extension sa unang palapag ng bahay. Maaaring hango ito sa mga tradisyunal na bahay kubo kung saan nagtatayo ang mga homeowners ng karagdagang silid para sa kanilang outdoor o dirty kitchen o kaya naman ay para sa kanilang pribadong palikuran.

Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay makikita ang isang simple ngunit napakalawak na kwarto. Mayroon itong isang kama at kabinet ngunit dahil sa lawak nito ay talagang maaari pang makapaglagay si Janice ng karagdagang kama at ilan pang storage spaces para sa kaniyang mga anak.

Maaliwalas at presko rin sa kwartong ito dahil sa mga bintana sa iba’t ibang parte ng silid. Mula naman sa kwartong ito ay maaaring mapuntahan ang balcony ng bahay. Masasabing ito ang pinakamagandang feature ng bahay kubo na ito dahil mula rito ay matatanaw ng homeowner at ng kaniyang buong pamilya ang napakagandang sunset at sunrise. Maaari din silang makapagpahinga rito habang tinatanaw ang maganda at malinis na tanawin ng kanilang probinsya.

Mula sa mga litrato ng loob ng bahay ay masasabi na talagang maganda at komportable ang vacation home na ito. Posible na maaari pa itong mapaganda sa pamamagitan ng paglagay ng porch o kaya naman ay munting garden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *