Isang Single Mom na may Tatlong Anak at Dating Nagtitinda ng kung Ano ano sa Madaling Araw para lang may Pang Gatas, Ipinasilip ang Naipundar na Mala-Resort na Bahay

Walang katumbas ang pagsisikap at pagsasakripisyo na handang ibigay ng mga single parents. Dahil sila ay nag-iisa lamang sa pagpapalaki at pagtataguyod ng kanilang mga anak, talagang doble ang kanilang ibinibigay sa mga ito.

Ang iba nga katulad na lamang ni Enna Silva ay nangibang-bayan pa upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kaniyang mga anak. Maswerte rin siyang nakapag-ipon at ngayon ay tinatamasa na ang magarang property na kaniyang naipatayo.

Kwento ni Enna, sampung taon na niyang binubuhay ang kaniyang tatlong anak bilang isang single mom at mula noon ay talagang doble kayod na siya para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kalaunan, minabuti niyang magtrabaho na lamang bilang isang OFW upang masiguro niyang mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak.

Una siyang nagtrabaho sa Dubai hanggang sa makarating siya sa Afghanistan at Amerika. Nagbunga naman ang lahat ng pagsisikap at pagtitiis ni Enna dahil ngayon nga ay kasama na niya ang kaniyang mga anak. Dagdag pa rito, nakapagpundar din siya ng isang mala-resort na property.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Bago pa man maipasilip ni Enna ang loob ng bahay ay talagang nakakabilib na ang front yard nito.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Mayroon itong napakalawak na espasyo para sa garden kung saan makikita ang napakagandang grotto, landscape, at benches na maaaring maging pahingahan ni Enna at ng kaniyang mga anak. Sa gilid naman ng bahay ay ang kanilang private pool at gazebo kaya naman talagang hindi na nila kailangang lumabas pa upang magbonding.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Ang mismong bahay naman ay mayroong dalawang palapag at modernong disenyo. Sa loob nito ay sasalubong ang living room na mayroong high ceiling at magarbong chandelier.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Elegante rin ang dining set ni Enna dahil sa kakaibang disenyo at materyales na ginamit para sa dining chairs dito. Gaya rin ng mga resorts ay makikita ang isang bar sa bahay ni Enna na kumpleto sa iba’t ibang inumin.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Ipinasilip din ni Enna ang comfort room na talaga namang hindi magpapahuli pagdating sa disenyo nito. Nakakabilib din na nakapaglaan sila ng espasyo para sa isang pribadong gym sa loob ng bahay.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Perpekto ito upang mapanatili ng buong pamilya ang kanilang malusog na pangangatawan. Dagdag pa sa lahat ng mga ito ay ang iba’t ibang memorabilia na makikita sa iba’t ibang parte ng bahay gayundin ang koleksyon ni Enna ng iba’t ibang bags.

Photo credits: Enna Silva | Facebook

Walang duda na talagang maganda ang property na ito na mula sa dugo at pawis ni Enna kaya naman hindi na nakapagtataka na talagang ipinagmamalaki niya itong ibinahagi sa social media. Maigi rin naman ito upang marami pa ang ma-inspire sa kwento ni Enna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *