Isang Pamilya I-Pinarenovate ang Kanilang Lumang Bahay na Ngayon ay may Moderno ng Disenyo, Ginawa lamang ito sa Loob ng 40 na Araw at Gumastos sila sa Halagang Php390k

Usong-uso ngayon ang pagpapa-renovate ng mga tahanan, dahil na din sa mga nakikita nating magagandang tahanan, na siyang nabigay sa marami sa atin ng inspirasyon na pagandahin pa ang tahanang ating tinitirhan. Ang iba sa atin ay kumukuha pa ng mahusay at mapagkakatiwalaang contractor para ma-achieve natin ano man ang nais nating mangyaring maganda sa tahanang ating ipinapa-renovate.

Halimbawa na lamang nito ay ang naging pagbabahagi ng isang netizen sa Facebook community page na Home Buddies nito lamang nakaraan, ng naging napakagandang resulta ng ginawang renovation sa tahanan ng kanyang ina sa tulong ng maasahan at mahusay na contractor na kanilang nakuha.

“For your approval admin first time to post here Hello virtual neighbor! Sharing our Mom’s tiny home. Super simple and minimalist home, 16sqm two-story house.

Sobrang happy sa final result with our trusted contractor, wala kaming naging sakit ng ulo from the start hanggang matapos ang project.”

Ibinahagi niya sa Home Buddies ang before at after na larawan ng tahanan ng kanyang ina, kung saan sa before photo na ibinahagi niya ay makikita ang dating hitsura nito, na isang lumang 2-storey home, at sa after photo naman ay masisilayan ang naging napakagandang resulta ng ginawang renovation dito.

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Makikita sa isang larawan ang naging malaking pagbabago sa exterior nito, kung noon ay isa itong tipikal na 2-storey home lamang, ngayon ay moderno na ang disenyo nito. Sa exterior nito ay mapapansin na ang pagkakaroon nito ng magandang pinta na kulay gray, at ang mga bintana nito ay naka-sliding glass na mayroon pang nakatakip na grills na moderno din ang disenyo.

Maging ang interior ng tahanang ito ay nagkaroon din ng malaking pagbabago dahil sa ginawang renovation, magmula sa living area, kitchen, dining, cr, hagdanan, at maging sa mga bedroom nito.

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Masisilayan na ang kitchen area nito ay maliit lamang, ngunit ito ay mayroong naka-tiles na lababo at mga hanging cabinet na maaring lagyan ng mga kagamitang pang kusina. Agaw-pansin din ang maganda na nitong ceiling, na may nauuso din ngayon na ilaw.

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Ayon naman sa netizen talagang sila ay namangha sa naging napakagandang pagbabago sa tahanan ng kanyang ina sa ginawang renovation dito. Mula kasi sa napakaluma nitong hitsura noon, ngayon ay isa na itong maganda, simple at minimalist na tahanan na talaga namang kumportable ng matitirhan ng kanilang ina. Ibinahagi din niya na maliit lamang ang tahanan na ito ng kanyang ina, na mayroon lamang umanong sukat na 16sqm.

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Photo credits: May Macatugal Primdal | Home Buddies

Saad pa niya, ang napakagandang renovation na ito sa tahanan ng kanyang ina ay inabot lamang ng 40-days at ang total cost ay nasa Php390k kasama na ang lahat ng materyales at labor. Ibinahagi din niya sa kanyang caption ang contractor na siyang nanguna sa pagpapaganda ng tahanan ng kanyang ina, para na rin umano makatulong sa mga homeowners na naghahanap ng mapagkakatiwalaang contractor.

“40 days in the making madaming mag tatanong sa price reveal.
It cost us appro. Php 390k including materials and labor.
Dalawa un bintana sa baba because she has a mini sari sari store
If you need a trusted contractor for your home within metro manila you can contact him.
Diko po masagot lahat ng PM and comment andami
Eto yun FB niya
Hi here’s the FB, please be patient lang po madami po daw kase siyang natatanggap na message inquiry it might take time for him to answer thanks!
Location: Sauyo Novaliches QC
His name is Ronald Toto Diaz”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *